Tambalan-On-Line
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Tambalan-On-Line

Mga Usapang Balahura at Balasubas!
 
HomeHome  PortalPortal  GalleryGallery  SearchSearch  Latest imagesLatest images  RegisterRegister  Log in  

 

 ang virgin na potpot driver!!

Go down 
5 posters
AuthorMessage
karlatot
ADIK Level Tambalanista
ADIK Level Tambalanista
karlatot


Female
Number of posts : 1315
Age : 37
Location : molino, cavite
Club : clubhouse! hahha
Hobbies : reading and watching movies eating.. hehe hobby ba yun?
Registration date : 2008-03-04

ang virgin na potpot driver!! Empty
PostSubject: ang virgin na potpot driver!!   ang virgin na potpot driver!! Icon_minitime8th April 2008, 2:26 am

Bisekleta tapos nilalagyan ng side car, ito yung pinaka-common mode of transportation sa sentro ng bayan namin. Tawag ng iba dito ay tri-sikad pero sa amin, tawag dito ay “potpot”. Talagang physical, at hindi lang nasusunog ang balat ng mga driver nito, bugbog pa ang katawan at buto.

Nung nag-aaral pa lang ako sa probinsya, dito na ako sumasakay. Isa ito sa mga bagay na na-miss ko simula nung makapag-abroad. Kaya every time na magbakasyon ako at uuwi ng probinsya, hindi pweding hindi ako mag-hire ng potpot service, at gawing tour guide ang driver na mag-iikot sa na-miss na lugar. Dito, narere-live ko ang mga nakaraan. May pagka-sentimental kasi akong tao. Kapag na-miss ko ang isang bagay o tao, gusto kong puntahan o bisitahin ang lugar kung saan merong significance at dun magmumuni-muni o i-enjoy ang hangin o music habang sinasariwa ang nakaraan.

First time kong baksayon nun galing abroad. Dahil sa tindi ng pagka-miss ko sa mga bagay-bagay sa lupang kinalakhan, di ko maiwasang maghanap. Naisipan ko na lang mag-ikot. Gusto ko sanang magsama ng kaibigan kaso wala akong mahagilap dahil karamihan sa kanila’y nasa ibang lugar na at yung naiwan naman ay may mga trabaho. “Mag-isa na lang akong lalabas, tutal dati ko namang ginagawa ito...” sabi ko sa sarili.

So kahit nag-iisa, naghanap ako ng potpot. Eksaktong may bakanteng dumaan; bata pa ang ang driver, nasa 20 yrs old, matipuno ang katawan at nasa 5’9 ang height.

Madaldal si Jun kaya habang nagda-drive sya, madami na akong nalaman tungkol sa kanya, kagaya ng pagkahinto nya ng pag-aaral dahil sa pagkamatay ng tatay; na walo silang lahat magkakapatid at sya ang panganay; ang pagpasok nya bilang kargador ng pier; at ang pagkakaroon ng sariling potpot na sa panahon na yun ay hinuhulug-hulugan pa.

“OK lang ang potpot dahil sarili ko ang diskarte dito” paliwanag nya. Sa tono ng pananalita nya, masipag, madiskarte sa buhay at may paninindigan si Jun.

Nakarating na kami ng bayan ng magtanong sya kung saan ako bababa.

“Ay, oo nga pala” sabi kong mejo natawa. “Paano ba to i-explain... Ah, ganito na lang. Magkano ba ang kinikita ng isang potpot driver sa isang araw?”

Ipinarada ni Jun ang potpot sa gilid ng kalsada dala ng pagtataka kung bakit tanong din ang isinagot ko sa tanong nya.

“Di po pareho sir e. Minsan may 200 o mahigit, minsan nasa 100, minsan naman, 50 o kapag minalas, buti na kung may sampu. Pero sa akin naman, hindi pa ako dumanas ng mababa sa 50” paliwanag nyang tila may kahalong pagkainis.

“Ok... Bigyan kaya kita ng 400 sa isang kondisyon. Tour guide kita sa buong araw hanggang 11 pm, libre kain. Kung saan ako kakain sama ka. At... kapag nagkasundo tayo sa iba pang bagay may bonus ka sa akin. Ano sa palagay mo?”

Nag-isip si Jun. “Yung... magkasundo tayo sa ibang bagay, ano po kaya yun sir?” Tanong nyang kita sa mukha ang pag-aalangan at pagkalito.

“Syempre, yung oras mo na sinayang ko, at kapag nag eenjoy ako sa pagsama mo sa akin, may bonus ka. At mas malaki yun. Wala tayong gagawing kalaswaan kung iyon ang nasa isip mo?” paniniguro ko sa kanya “Atsaka, anlaki-laki ng katawan mo. Ako nga ang dapat matakot sa iyo, e.” sabi kong pabiro. “Di, biro lang... Gusto ko lang mag-enjoy na may kasama at nagga-guide sa akin. Kababakasyon ko lang kasi galing abroad” Dagdag-paliwanag ko.

“Ah, ok... Sige sir, ok sa akin yan.” Masayang sagot nya, tila nasiyahan sa narinig. “Pero kailangan ko po bang magbihis pa? Dyahi tong ayos ko eh, naka-sando lang, luma’t mabaho pa at tagpi-tagpi ang shorts...”

“Ikaw... kung gusto mong magbihis, ok din lang. Basta rugged lang dahil ang pupuntahan natin ay hindi naman party, mga lugar na rugged din. T-shirt at maong or shorts, ok na... At pwedi ba, James nalang tawag mo sakin at wag mo na akong po-po-in, di naman magkalayo ang edad natin, ok?”

“Ah, OK po... e... James pala.”

Dumaan kami sa bahay ni Jun upang makapagpalit sya ng damit, ako naman naghintay sa potpot nyang nakapark lang sa gilid ng kalsada. Mga 20 minutes at lumabas na sya ng bahay, nakabihis na nakapaligo pa. Faded straight-cut jeans at body-fit na t-shirt na kulay puti at may stripes na blue ang suot.

“Wow, pamatay ang porma ng kumag! Cowboy na cowboy ang dating” sambit ko sa sarili. At kahit na sunog ang balat, litaw pa rin ang ganda ng hugis ng mukha nya na parang modelo ng isang jeans o t-shirt. May kasingkitan ang mata, makapal ang kilay, matungis ang ilong...

“Ey! Gandang lalaki naten ah!” Sabi ko habang paangkas na sya sa upuan ng sasakyan.

“Hindi naman po... este James. Mas pogi ka pa rin syempre. Ikaw ang bosing ko ngayon eh!” ang nakangiting sagot ni Jun na kitang-kita ang mapuputi at pantay na mga ngipin.

“Buti naman at alam mo, hehehe. At buti na rin na naka-tsinelas ka lang dahil pag naka-sapatos ka pa, malamang iisipin ng tao na ikaw ang amo dito. Hayop ka kasi sa porma e. Kung alam ko lang na ganyan ka ka-pogi, di naghanap na lang sana ako ng ibang driver. Naiinsecure ako sa yo, tol, grabe!” Biro ko sa kanya.

Tawa lang ang isinagot sa akin ni Jun at umarangkada na sya.

Dahil alas onse na ng tanghali, dumeretso na lang kami sa may barbecuehan ng manok at doon kami kumain. Ang barbecuehan na yun ay dinadayo dahil sa sarap ng barbecue at sa ambiance ng restaurant na kamayan, native, nakalutang sa dagat at napakapresko ng simoy ng hangin.

Kumain kami. Nag-beer habang nakinig sa mga nagbi-videoke. Ikini-kwento ko kay Jun na isa yun sa mga paborito kong lugar at sa mga barkada. May mga tatlong oras din kami dun tapos umikot na kami sa iba’t iba pang lugar.

Alas singko ng hapon nung nasa beach kami. Sinadya ko talagang ganung oras pupunta dun dahil sa ang baybayin na iyon ay may malalaking puno ng kahoy na nakakapagbigay ng malamig na lilim. Nakakarelax ang tanawin lalo na kapag mapayapa ang dagat.

Umorder ako kalahating case ng beer at pulutan at naupo sa buhangin. Naupo din si Jun sa tabi ko at habang pinagmasdan namin ang unti-unting paglubog ng araw, nagku-kwentuhan. Parang kilalang-kilala na namin ang isa’t-isa kahit sa ilang oras lang naming pagsasama.

“Alam mo, Jun, ito ang isa sa mga lugar kung saan ko na-experience ang pinakamasayang araw ko sa buhay, nung college days ko. Andami kong naaalala dito na puro masasaya. Kaya miss na miss ko talaga ang lugar na to at binabalik-balikan. At alam mo, sa tingin ko, swerte din sa akin ang lugar na to...”

Kalmante lang si Jun. Parang walang narinig habang umiinom ng beer. Napakalalim ng iniisip.

“Hoy! Nanjan ka pa ba?” tanong ko sabay tapik sa balikat nya.

“Ha? A, e... syempre naman!” sagot nyang parang natauhan. “Ano nga pala yun James?” nakangiting sabi.

“Wala... sabi ko lang, na kung sino pa yung pogi ay sya pang bingi!” biro ko sa kanya.

“Ano yun, ulit... hindi ko marinig?” sagot nyang nagbibingi-bingihan, pagpapapansin na ‘pogi’ nga sya.

“Oo na! Bingi ka na, wala na akong sinabi” sabi kong pabiro pero halong pang-iinis dahil sa hindi pagpansin nya sa kwento ko.

“Ay... pikon! Pikon! HAHAHAHAHA! Pikon!” pang-iinis din nya na may pa-kanta kanta pa.

“Sige, kanta ka pa jan inisin mo pa ako at maliligo ka ng buhangin, sige” pananakot kong ganun.

“Pikon! Pikon!” ang lalo pa nyang pang inis, sabay hubad ng T-shirt at tumakbong palayo at inihagis ang t-shirt sa harapan ng cottage.

“Pikon pala ha? Sige, humanda ka sa akin!” bulong kong may halong panggagalaiti. Hinubad ko na rin ang T-shirt ko’t inihagis din at simbilis ng kidlat na sinugod sya. Naghabulan kami, nagbatuhan ng buhangin. Hanggang sa mapagod at magkatabing nahiga sa buhanginan. Tawanan, kapos sa paghinga.

Natahimik kaming pareho ng ilang sandali. Muling nag-kwentuhan, naging seryoso ang usapan at nauwi sa girlfriend at sex.

“Na-experience mo na bang makipag-sex, James?”

“Syempre naman, bakit ikaw hindi pa?”

“Wala pa akong girlfriend e... virgin pa ako” seryosong sabi ni Jun.

Parang gusto kong matawa. At bigla nalang sumiksik sa isip na pikunin sya. Sumigaw akong bigla, “Shittttt! Virgin ka pa? Hoy mga kapitbahay, virgin pa si - hmmmppppppttt!” sa hiya at takot na isigaw ang pangalan nya, mabilis nya akong dinaganan, itinakip sa bibig ko ang isa nyang kamay at ni-lock ng mga hita nya ang mga hita ko. Hindi ako makapalag dahil sa lakas nya.

Hindi ko alam kung nagbibiro o dala ng pagkapahiya ngunit nasa ganung ayos kami nung sabihin nya, “Virgin pa nga ako at wala pang karanasan sa kahit paghalik. Ngunit kapag tinanggal ko ang kamay na to sa bibig mo at sisigaw ka pa rin, hahalikan na kita sa bibig!” pagbabanta nya, halos nanlilisik ang mga mata.

Para akong natulala sa inasta nyang iyon. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. May halong pagka-insulto ang nadama. Naitanong ko sa sarili kung iniisip nya na pinaplano ko ang dalhin sya dun at biktimahin. O dahil ba sa sinabi kong “bonus” kaya sasakyan nya ang iniisip nyang plano ko.

Hindi na ako kumilos, hinayaang ang buong bigat nya ay dadagan sa akin. Tila nahalata nya ang galit sa mukha ko. pinakawalan nya ako at agad akong patakbong bumalik ng cottage at naupo sa may hagdanan.

Humabol sya at naupong tumabi sa akin, “James! sorry! I’m sorry James! Please.... di ko sinadyang saktan ka!” pagmamakaawang sabi ni Jun.

“Hindi naman yun Jun e. Ang gusto ko lang sabihin na itong pagpapasama ko sa iyo ay hindi dahil sa may masama akong balak. Gusto ko lang mag enjoy, ma experience ang mga bagay-bagay na hindi ko na-experience habang nasa abroad ako. Kung gusto ko ng sex, marami jan... at kung gusto mo ng pera, di mo kailangang gawin ang isang bagay na ayaw mo. Sabihin mo lang...” sabi kong halos tutulo na ang luha.

“James, wala yan sa isip ko, maniwala ka please... Talagang biro ko lang yun. Oo, aaminin ko na kaninang umaga nung nakipag-deal ka pa sakin, nag-isip ako ng masama sa bonus na sinabi mo. Ngunit nung magkasama na tayo, nagkwentuhan, nagbiruan, na-feel ko ang sarap ng pakiramdam na merong taong pumapansin, nagmamalasakit at nakikipagkaibigan sa akin. Ngayon ko lang naranasan ang may nagbigay-halaga sa akin, James... sa kabila ng pagiging ganito ko – na mahirap, driver lang ng potpot, ngunit tanggap ang pagiging ako. Hindi pinag-uusapan ang pera dito, James, kahit hindi mo ako bayaran sa potpot ko o sa oras ko, masaya na ako dahil nakilala ko ang isang taong katulad mo at naging kaibigan. Simula pa nung maliit ako, puro na lang kahirapan ang naranasan ko, James. Wala nga akong natatandaang masasayang alala. Kaya nung mag-kwento ka nung masasaya mong experiences sa lugar na to, tahimik lang ako, nag-iisip dahil naiinggit sa iyo. At nahiling ko sa sarili na sana mayroon din akong maging masayang alaala, at sana dito din yun...” paliwanag nyang tumutulo na ang luha. “James, wala akong pinag-aralan, at simula nung maliit pa lang ako, sabak na sa mabibigat na trabaho... nung mamatay ang tatay ko, ako na ang bumubuhay sa pamilya ko. Wala na akong iniisip kundi problema sa pamilya, kapatid, at nalimutan ko na may sarili din pala akong buhay... at sa araw na to, naranasan ko ang madama ang sariling buhay na yun, at napakasaya ko. Ramdam ko ang pagbibigay halaga ng isang tao sakin, at ikaw ang tao na yun, James... Ngunit kung hindi mo man ako mapatawad, wala akong magagawa.” At tuluyan ng humagulgol si Jun na parang batang musmus.

Tuluyan na ring tumulo ang luha ko. Niyakap ko si sya, hinaplos ang likod at ulo. Niyakap din nya ako. “Pasensya ka na sa nasabi ko, sorry Jun...”

Nasa ganung ayos kami ng mga ilang minuto, walang imikan.

“So friends ulit?” sabi ko.

Nag-kamay kami, nag-hug, nagtawanan at nagpahid ng mga luha namin. “Para tayong mga baliw neto!” ang sabi nya habang tumayo at ibinigay sa akin ang isang kamay para alalayan akong tumayo.

Maya-maya, umurder pa ulit ako ng kalahating case ng beer at nagkwentuhan. Mejo lasing na kami nung bumalik na naman ang topic sa pagka-virgin nya.

“Totoong virgin ka pa, Jun?”

“Di ka ba naniniwala?”

“Kasi, sa gwapo mong yan... kahit sa bakla, wala kang experience?”

“Meron ding mga nagpaparamdam, kaso, ayokong pumatol. Ayaw ko kasing gumawa ng ganun ng dahil sa pera. Kung gawin ko man, yan ay dahil gusto kong gawin, gusto ko yung tao, at walang perang pinag-usapan. Sa tatay ko natutunan ang paninindigan. Hindi daw lahat ng bagay ay nadadaan sa pera. At ang pera ay pinaghirapan, sa malinis na pamamaraan. Kaya nung sinabi mong kung gusto ko ng pera ay sabihin ko lang, nasaktan ako. Parang sobrang napakaliit ng pagtingin mo sa pagkatao ko. Pero naiintindihan kita. Hindi mo pa naman kasi ako lubos na kilala e.” sabi nya habang tumitingin sa akin sabay bitiw ng nakakalokong ngiti, pansin na pansin ang mga dimples sa magkabilang pisngi.

“Sorry din sa nasabi ko ha? Ngayon ko lang na-realize na masakit pala talaga yung nasabi ko...”

“Wala na sa akin yun, James... kalimutan na natin un. Ibang topic, please?” pabiro nyang sabi.

“OK... balik na lang tayo sa sex story. Wag kang magalit sa tanong na to, ha?”

“OK, shoot!”

“Sa tingin mo, kaya mong makipagsex sa kapwa lalaki?”

Nag-isip si Jun, hindi kaagad nakasagot. Tinitigan ako. “Hindi ko alam, James... hindi ko pa naranasan eh.” Ang seryoso nyang sagot.

“Kanina nung dinaganan mo ako dun sa tabing-dagat, anong nararamdaman mo? May kumakabog ba sa dibdib mo? May kahit konting sundot bang excitement o kiliti sa yu?”

“Hindi ako sigurado...”

“Gusto mong ulitin natin, i-simulate yung parteng dinaganan mo ako at tinakpan ang bibig at sinabi mo na ‘Virgin pa nga ako ngunit kapag tinanggal ko ang kamay na to sa bibig mo at sisigaw ka pa rin...’?”

“Hmmmm... gusto mo? OK lang sa akin.”

Humiga akong patihaya sa papag ng cottage at pumwesto sya sa ibabaw ko, tinakpan ang bibig ko sa isa nyang kamay habang ang isang kamay ay niyapos sa katawan ko. Ini-lock ng mga binti nya ang mga paa ko. Pareho kaming naka-jeans pa rin pero hubad ang pang-itaas. Naglapat ang katawan at harapan namin, dikit na dikit ang mga mukha. Nagtitigan, nagpakiramdaman. Nag-init ang pakiramdam ko at habang lapat ang mga katawan namin, dama ko na may ibang nararamdaman si Jun.

Hinawi ko ng konti ang kamay nyang nakatakip sa bibig ko, “Ngayon, anong nararamdaman mo? May kumakabog ba sa dibdib mo? May--”

“Alam mo na yun, James, alam na alam mo na...” pag-interrupt nya sa tanong ko habang hindi natitinag ang malambing na pagkakatitig sa akin at tuluyan nya ng inalis ang kamay na itinakip sa bibig ko.

Sumigaw ako, “Mga kapitbahay! Virgin pa si – hmmmmpppppp! Sabay diin nya ng bibig nya sa bibig ko. Matagal, mapusok, puno ng kasabikan... hanggang sa tuluyan na naming inalis ang natitirang saplot ng aming mga katawan.

Nung matapos na naming maipalabas ang bugso ng aming damdamin at humupa na ang init ng aming katawan, “Jun, meron ka na ring alaalang hindi mo malilimutan sa lugar na to, na babalik-balikan mo.”

“Alam ko, James, alam ko. At isang napakagandang ala-alang hinding-hindi ko malilimutan sa tanang buhay ko. At alam mo, may isang taong bigla na lang sumulpot at nagpaligaya sa akin na syang pinaka-sentro sa napakandang alaala na yan...”

“Talaga? Sino?” pag-iinosentehang tanong ko.

Tinitigan nya ako, tila pinagmasdang maigi at inuukit sa isip ang mga maliliit na detalye sa mukha ko. At ilang saglit binitiwan ulit ang isang nakakaloko at nakakabighaning ngiti.

“Gusto mo halikan kita uli? tanong nya.

“Isisigaw ko muna na virgin ka pa...” biro ko.

“Correction please, hindi na po ako virgin...” sabay kindat.

“HOY! MGA KAPITBAHAY! HINDI NA VIRGIN SI – HHHMMMPPPPPPPP...!!!
Back to top Go down
xiaozhinzhu
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
xiaozhinzhu


Female
Number of posts : 7139
Age : 35
Location : quezon city
Hobbies : maglaro,mag-alaga ng babies,kumain,manood at matulog
Registration date : 2008-02-21

ang virgin na potpot driver!! Empty
PostSubject: Re: ang virgin na potpot driver!!   ang virgin na potpot driver!! Icon_minitime8th April 2008, 9:17 pm

ui.., kaw b ngcopyright nito kabisyo? or copy lang sa iba?
Back to top Go down
xiaozhinzhu
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
xiaozhinzhu


Female
Number of posts : 7139
Age : 35
Location : quezon city
Hobbies : maglaro,mag-alaga ng babies,kumain,manood at matulog
Registration date : 2008-02-21

ang virgin na potpot driver!! Empty
PostSubject: Re: ang virgin na potpot driver!!   ang virgin na potpot driver!! Icon_minitime8th April 2008, 9:18 pm

in fairness mdyo., maganda huh? hindi na qoh nagulat sa ending.., don plang sa pagyaya don sa driver ng potpot na maging tourguide ni james eh feel qoh na may mangyayaring ganun.. jeje..
Back to top Go down
jerjer
Tambalanista
Tambalanista
jerjer


Male
Number of posts : 242
Age : 43
Location : pasig city
Registration date : 2008-03-26

ang virgin na potpot driver!! Empty
PostSubject: Re: ang virgin na potpot driver!!   ang virgin na potpot driver!! Icon_minitime9th April 2008, 12:13 pm

nice story
Back to top Go down
http://sulitsmashers.multiply.com/
tsetze
AWAT NA Level Tambalanista
AWAT NA Level Tambalanista
tsetze


Female
Number of posts : 2297
Age : 103
Location : molino
Club : PMEA
Hobbies : mag-update ng facebook
Registration date : 2007-04-24

ang virgin na potpot driver!! Empty
PostSubject: Re: ang virgin na potpot driver!!   ang virgin na potpot driver!! Icon_minitime9th April 2008, 1:33 pm

ang sakit sa bangs!!!!
Back to top Go down
senna
ADIK Level Tambalanista
ADIK Level Tambalanista
senna


Female
Number of posts : 1250
Age : 29
Location : Andromeda Galaxy. Oh yeah beybeh.
Club : Camp Half-Blood.
Hobbies : Drawing. Reading.
Registration date : 2008-03-26

ang virgin na potpot driver!! Empty
PostSubject: Re: ang virgin na potpot driver!!   ang virgin na potpot driver!! Icon_minitime9th April 2008, 4:30 pm

kalerkei 'to!!!!!!
Back to top Go down
http://stinkasaurus.tumblr.com/
Sponsored content





ang virgin na potpot driver!! Empty
PostSubject: Re: ang virgin na potpot driver!!   ang virgin na potpot driver!! Icon_minitime

Back to top Go down
 
ang virgin na potpot driver!!
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» eLow pOh!! viRgin pa q d2 sA tAmbaLan onLine!!! =)haha

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Tambalan-On-Line :: MEMBERS' CORNER: OFF TOPICS :: Mga Babasahin-
Jump to: