Tambalan-On-Line
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Tambalan-On-Line

Mga Usapang Balahura at Balasubas!
 
HomeHome  PortalPortal  GalleryGallery  SearchSearch  Latest imagesLatest images  RegisterRegister  Log in  

 

 bago lang pero matagal nang nkikinig....

Go down 
3 posters
AuthorMessage
ernestjoe2
New Member
New Member



Male
Number of posts : 2
Age : 30
Location : San Jose del Monte, bulacan
Registration date : 2008-08-18

bago lang pero matagal nang nkikinig.... Empty
PostSubject: bago lang pero matagal nang nkikinig....   bago lang pero matagal nang nkikinig.... Icon_minitime18th August 2008, 1:05 pm

san ko po ba mkikita yung poem ng anak for his mom??? ngandahan po kasi ako dun eh
salamat po ng marami sa mkakatulong...
Back to top Go down
Guest
Guest




bago lang pero matagal nang nkikinig.... Empty
PostSubject: Re: bago lang pero matagal nang nkikinig....   bago lang pero matagal nang nkikinig.... Icon_minitime18th August 2008, 3:37 pm

i will post it here if makita ko sa email ko... Smile


Last edited by mommydaddy28 on 18th August 2008, 3:51 pm; edited 1 time in total
Back to top Go down
Guest
Guest




bago lang pero matagal nang nkikinig.... Empty
PostSubject: Re: bago lang pero matagal nang nkikinig....   bago lang pero matagal nang nkikinig.... Icon_minitime18th August 2008, 3:49 pm

Sa Aking Anak,

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako.
Huwag mo sana akong pagtatawanan o
pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan,
huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa?
pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon,
magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabik
na sabik na akong makakwentuhan ka,
kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako
man ay maihi o madumi sa higaan,
pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.

Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ... dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan
Back to top Go down
xiaozhinzhu
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
xiaozhinzhu


Female
Number of posts : 7139
Age : 35
Location : quezon city
Hobbies : maglaro,mag-alaga ng babies,kumain,manood at matulog
Registration date : 2008-02-21

bago lang pero matagal nang nkikinig.... Empty
PostSubject: Re: bago lang pero matagal nang nkikinig....   bago lang pero matagal nang nkikinig.... Icon_minitime18th August 2008, 10:05 pm

dat poem was so nice..
sobrang nbukulan aqoh dyan..
Back to top Go down
Guest
Guest




bago lang pero matagal nang nkikinig.... Empty
PostSubject: Re: bago lang pero matagal nang nkikinig....   bago lang pero matagal nang nkikinig.... Icon_minitime18th August 2008, 10:47 pm

oo nga eh..nkaka touch Crying or Very sad
Back to top Go down
sexylipz
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
sexylipz


Female
Number of posts : 8778
Age : 41
Location : Makati City
Registration date : 2007-10-10

bago lang pero matagal nang nkikinig.... Empty
PostSubject: Re: bago lang pero matagal nang nkikinig....   bago lang pero matagal nang nkikinig.... Icon_minitime19th August 2008, 9:17 am

GOOD MORNING!
PADAAN LANG PO AKO..
HAVE A NICE DAY EVERYONE

WB SA MGA BAGO
Back to top Go down
Guest
Guest




bago lang pero matagal nang nkikinig.... Empty
PostSubject: Re: bago lang pero matagal nang nkikinig....   bago lang pero matagal nang nkikinig.... Icon_minitime24th August 2008, 8:50 pm

hello sa mga veterans na dito... Smile
Back to top Go down
xiaozhinzhu
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
xiaozhinzhu


Female
Number of posts : 7139
Age : 35
Location : quezon city
Hobbies : maglaro,mag-alaga ng babies,kumain,manood at matulog
Registration date : 2008-02-21

bago lang pero matagal nang nkikinig.... Empty
PostSubject: Re: bago lang pero matagal nang nkikinig....   bago lang pero matagal nang nkikinig.... Icon_minitime24th August 2008, 9:55 pm

haha.. gandang gabe..
Back to top Go down
Sponsored content





bago lang pero matagal nang nkikinig.... Empty
PostSubject: Re: bago lang pero matagal nang nkikinig....   bago lang pero matagal nang nkikinig.... Icon_minitime

Back to top Go down
 
bago lang pero matagal nang nkikinig....
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» hi po bago lang ako...
» Pagpapakilala para sa lahat
» ako rin bago lang...
» bago lang eh...
» Bago lang......

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Tambalan-On-Line :: MEMBERS' CORNER: TAMBALAN TOPICS :: Saan mo sila narinig?-
Jump to: