Tambalan-On-Line
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Tambalan-On-Line

Mga Usapang Balahura at Balasubas!
 
HomeHome  PortalPortal  GalleryGallery  SearchSearch  Latest imagesLatest images  RegisterRegister  Log in  

 

 Palimos ng kulangot!!

Go down 
+7
sarahjorge2004
blackjade
jeunice1215
dyosang_marikit
ellebama ganda
vInTaGe
@mars
11 posters
AuthorMessage
@mars
Tambalanista
Tambalanista
@mars


Female
Number of posts : 442
Age : 39
Location : Parañaque
Hobbies : reading,paint,listening music...
Registration date : 2007-04-27

Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime30th April 2007, 6:55 am

Lightning Crashes : Palimos ng Kulangot
Contributed by roni_bats (Edited by amplifier)

fr.peyups.com

“Kuya, penge ng kulangot,” sabi niya.

Ang unang pumasok sa isip ko, hindi ko siya kapatid. Noon lang kami nagkita; nagkataong siya ang nakatabi ko sa bus pauwi. Kung akala niya, nadadala ako sa pa-“Kuya, kuya” ng mga taong hindi ko kilala, nagkakamali siya. Pangalawa, sa pagkakaalam ko, ang kulangot ay sinusungkit mula sa ilong upang ipahid sa ilalim ng mesa, idikit sa pader, iipit sa panyo, lunurin sa lababo o itapon sa basurahan. Hindi ipinapamigay ang kulangot. At pangatlo, sakaling nahihingi man ang kulangot, bakit ko naman ibibigay ang kulangot ko sa kanya? Habang nakasakay sa bus kasama ang humigit-kumulang animnapung pasahero?

“Wala akong kulangot.”

“Meron e. Kakasilip ko lang kaya! Dali! Penge na!”

Napakabastos naman nitong batang ito, sa loob-loob ko.

“Sabi nang wala e. Nasaan ba ang nanay mo?”

May halong paninindak ang tanong, nang sa gayon, maligaw na ang usapan at ako ay makasandal sa bintana upang matulog.

“Wala akong nanay. At wala rin akong tatay. Bigla na lang akong lumitaw sa mundong ibabaw.”

Gaaaaad. Kawawa naman ang batang ito; wala pang sampung taon, mukha nang takas ng psychiatry ward. Manghihingi ng kulangot, pagkatapos, sasabihing sumulpot na lang na parang kabute. Ayoko nang itanong kung ano ang pangalan niya, baka sagutin ako ng “Jesus Christ” at hindi ko kayanin.

“Boy,” hinawakan ko ang kanyang ulo at inilingon patungo sa telebisyon ng bus, “Mabuti pa, manood ka na lang. Baka sakaling matutunan mong hindi nahihingi ang kulangot at hindi mina-magic ang mga bata.”

“Hmp, madamot,” sambit niya sabay irap.

O, huwag nang patulan, pagpipigil ko sa sarili. Bata iyang aawayin mo, post-duty ka pa. Isang buong araw ka nang gising kakapaanak ng mga nanay, itulog mo na lang iyan.

Nakatitig na sa tv ang namamalimos ng kulangot. Kasalukuyang ipinapalabas ang isang tatay na nanghihingi ng donasyon para sa anak niyang may hydrocephalus: “Madalas nga, tinatanong naming mag-asawa sa Diyos, bakit kami pa? Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ang nag-iisang anak pa namin ang magkakasakit ng ganito.”

Mahirap siguro maging Diyos. Bagsakan ka na nga ng lahat ng hiling, bagsakan ka pa rin ng lahat ng sisi.

Araw-araw ko nang nakakasalamuha ang mga pasyente ng PGH. Hindi ko na sila kailangang mapanood sa telebisyon. Ikinabit ko ang baon kong earphones at pinatugtog ang radyo ng aking telepono. Kinakanta ng Hoobastank ang “I’m not a perrr-fect perrr-son….”

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 24 na oras, ipinikit ko ang aking mga mata.

Ginising ako ng marahang pagtapik sa aking balikat.

“Boss, saan kayo?”

Ang konduktor, naniningil ng pamasahe.

“Southmall, galing PGH, estudyante.”

Dinukot ko ang mga nakahandang barya sa aking bulsa. “Sino nga pala ang nagbayad dito?” pabulong kong tanong habang inginunguso ang katabi kong nakatulog din pala.

“Iyan? Walang bayad iyan,” mabilis niyang sagot saka abot sa akin ng tiket.

“Bakit?”

Subalit lumipat na siya sa susunod na hilera ng mga pasahero.

“E wala talaga akong bayad e!”

Aba! Gising pala ang mokong.

“Ano? Bibigyan mo na ako ng kulangot?”

Kung nagkataong may hawak siyang baril, malamang nakatutok na ito sa butas ng ilong ko. Para lang sa walang kakwenta-kwentang kulangot na gawa sa aking uhog at sa alikabok mula sa Ospital Heneral ng Pilipinas.

“Teka nga. Seryosong tanong, at kailangan ko rin ng seryosong sagot. Nag-iinit ang ulo ko sa mga pilosopo.”

“Tapos, ‘pag sinagot ko ang tanong mo, bibigyan mo na ako ng kulangot? Yehey!”

“Aanhin mo ba ang kulangot ko?”

Sa pagkakataong ito, umasa akong sisigaw siya ng “Wow! Mali!” o kaya ay “Yari ka!” at pagkatapos ay ituturo sa akin ang kamerang nakakubli sa isang maleta sa kabilang hanay ng mga upuan.

“Wala lang. Nangongolekta kasi ako ng kulangot.”

Uh-oh. Oras na para tumawag sa mental.

“E bakit hindi ka na lang mangulangot buong araw at magdamag?”

“Gusto ko kasi kulangot ng iba.”

“Ha? Aanhin mo naman ang kulangot ng iba?”

“Kinokolekta ko nga e. Ang kulit mo naman Kuya!”

At ako pa raw ang makulit!

“Bakit nga? Aanhin mo naman ang kulangot ng ibang tao?” Nakakunot na ang noo ko. Hindi na ako natutuwa.

“Wala lang.”

Weirdo. Mas gugustuhin ko pang mabiktima na lang ng isang practical joke show kaysa makipagtalo sa batang ito.

“Hindi pwedeng wala lang. Hindi pwedeng walang bakit.”

“Bakit naman hindi?”

“Ganun talaga kapag tumatanda ka na. Hindi pwedeng ‘wala lang’ dahil lahat ng bagay, may dahilan. Lahat ng pangyayari. Lahat ng hindi nangyayari. Lahat ng tuwa. Lahat ng luha. Lahat ng pagod. Lahat ng sakripisyo. Lahat ng nakakalimutan. Lahat ng nagbabago. Lahat ng nabubuhay. Lahat ng nagkakasakit. Lahat ng namamatay. Kahit kulangot ko, may dahilan kung bakit nasa ilong ko at wala sa kamay mo!

“Kapag matanda ka na, mahirap tanggapin na ang lahat ay nangyayari dahil ‘wala lang.’ Na lahat ng paghihirap mo sa araw-araw ay wala namang patutunguhan, at sa huli ay wala ring saysay. Para mo na ring inamin na ang buhay mo ay walang silbi. Naiintindihan mo ba iyon?”

Tulala ang bata.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima.

Anim. Pito. Walo. Siyam. Sam-….

“Ang sungit mo naman. Madamot ka na nga, masungit pa. Mabuti pa yung katabi kong babae kanina, binigyan agad ako ng kulangot. Wala nang ‘Bakit? Bakit?’”

Grrrr.

“E ‘DI SA KANYA KA HUMINGI, HUWAG SA AKIN!”

Akala ko, mapapaiyak ko ang batang walang nanay at walang tatay. Lagot kapag nagkataon.

Pero hindi siya umiyak. Bagkus, siya ay tumayo, nag-ayos ng nagusot na damit, humarap sa akin, tinitigan ako sa mata at nagsabing, “Alam mo, yung babaeng nagbigay sa akin ng kulangot, mas masaya siya kaysa sa iyo.”

Tinawag niya ang konduktor. Pinahinto ang bus at dali-daling bumaba.

Si Kuya?

Tulala.

Isa. Dalawa. Tatlo.

Apat. Lima. Anim.

Pito. Walo. Siyam.

Sampu.


Last edited by on 9th May 2007, 12:14 pm; edited 2 times in total
Back to top Go down
vInTaGe
ADIK Level Tambalanista
ADIK Level Tambalanista
vInTaGe


Male
Number of posts : 1315
Age : 35
Location : Alabang City
Registration date : 2007-04-12

Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime30th April 2007, 12:14 pm

wahh ang lalim ng ending.. di ko magets..
Back to top Go down
http://www.friendster.com/iamvintage
*[cams]*
Guest




Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime30th April 2007, 6:12 pm

ako din..
Back to top Go down
ellebama ganda
Tambalan Onliner
Tambalan Onliner
ellebama ganda


Female
Number of posts : 12
Age : 36
Location : bulacan
Registration date : 2007-06-02

Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime2nd June 2007, 8:39 am

hindi koh maintindihan ung kunlangot mo??! may kadugtong pa b un??
Back to top Go down
dyosang_marikit
Alagad ng Tambalan
Alagad ng Tambalan
dyosang_marikit


Female
Number of posts : 148
Age : 43
Location : manila
Registration date : 2007-05-24

Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime6th June 2007, 5:52 pm

ano daw? boom2
Back to top Go down
jeunice1215
ADIK Level Tambalanista
ADIK Level Tambalanista
jeunice1215


Female
Number of posts : 1066
Age : 33
Location : mandaluyong
Registration date : 2007-06-03

Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime6th June 2007, 7:30 pm

labing isa.

labing dalawa.

labing tatlo...

bla bla bla....


achoo-choo-choo...

ache-chenes..

achu-churva...


*THE END*
laugh2 laugh2 laugh2




wAaaahahaha!!!!



Back to top Go down
blackjade
BIBO Level Tambalanista
BIBO Level Tambalanista
blackjade


Female
Number of posts : 540
Age : 41
Location : cavite
Club : outsider_pipz
Hobbies : sleeping and listening to tambalan
Registration date : 2008-02-20

Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime22nd February 2008, 11:24 pm

muntik ko ng di maintindihan ah.... pero maganda... touching din pala.... Smile
Back to top Go down
sarahjorge2004
BIBO Level Tambalanista
BIBO Level Tambalanista
sarahjorge2004


Female
Number of posts : 920
Age : 36
Location : makati city
Registration date : 2008-02-06

Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime23rd February 2008, 6:25 pm

bottom ano daw!!????? puro nman kulangot un?
Back to top Go down
nicolymitation
ADIK Level Tambalanista
ADIK Level Tambalanista
nicolymitation


Male
Number of posts : 1720
Age : 33
Location : rosario,cavite
Club : wala na,.. club ng mga tambay at adik sa tambalan
Hobbies : hobbies??? magbilang ng pako.. boys watching
Registration date : 2007-12-27

Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime23rd February 2008, 9:15 pm

naman


parang nagka interes ako sa kulangot ah
Back to top Go down
http://salinas.cjb.in
sarahjorge2004
BIBO Level Tambalanista
BIBO Level Tambalanista
sarahjorge2004


Female
Number of posts : 920
Age : 36
Location : makati city
Registration date : 2008-02-06

Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime28th February 2008, 7:16 pm

argue
Back to top Go down
Guest
Guest




Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime14th March 2008, 6:48 pm

baka nabaliw si "kuya" di kaya?????
Back to top Go down
nicolymitation
ADIK Level Tambalanista
ADIK Level Tambalanista
nicolymitation


Male
Number of posts : 1720
Age : 33
Location : rosario,cavite
Club : wala na,.. club ng mga tambay at adik sa tambalan
Hobbies : hobbies??? magbilang ng pako.. boys watching
Registration date : 2007-12-27

Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime18th March 2008, 3:57 pm

pro kulangot
Back to top Go down
http://salinas.cjb.in
xiaozhinzhu
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
xiaozhinzhu


Female
Number of posts : 7139
Age : 35
Location : quezon city
Hobbies : maglaro,mag-alaga ng babies,kumain,manood at matulog
Registration date : 2008-02-21

Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime21st March 2008, 10:34 pm

noh ba yan...
di qoh gets ung ending...

Back to top Go down
karlatot
ADIK Level Tambalanista
ADIK Level Tambalanista
karlatot


Female
Number of posts : 1315
Age : 37
Location : molino, cavite
Club : clubhouse! hahha
Hobbies : reading and watching movies eating.. hehe hobby ba yun?
Registration date : 2008-03-04

Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime21st March 2008, 10:46 pm

anggulo ah???
Back to top Go down
xiaozhinzhu
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
xiaozhinzhu


Female
Number of posts : 7139
Age : 35
Location : quezon city
Hobbies : maglaro,mag-alaga ng babies,kumain,manood at matulog
Registration date : 2008-02-21

Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime22nd March 2008, 9:21 pm

di aman magulo..
mdyo mhrap lang tlagang igrasp ung ibig iphwtg

Back to top Go down
nicolymitation
ADIK Level Tambalanista
ADIK Level Tambalanista
nicolymitation


Male
Number of posts : 1720
Age : 33
Location : rosario,cavite
Club : wala na,.. club ng mga tambay at adik sa tambalan
Hobbies : hobbies??? magbilang ng pako.. boys watching
Registration date : 2007-12-27

Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime23rd March 2008, 6:12 pm

Palimos ng kulangot!! Jansmoemt

happy EASTER

iTmYle Po kayu.. TingNAn nyo lng 2ng pic na ITecthiwa

paya mataya tayu ngayung Easter sunday

girllaugh hurray
Back to top Go down
http://salinas.cjb.in
tsetze
AWAT NA Level Tambalanista
AWAT NA Level Tambalanista
tsetze


Female
Number of posts : 2297
Age : 103
Location : molino
Club : PMEA
Hobbies : mag-update ng facebook
Registration date : 2007-04-24

Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime25th March 2008, 11:57 am

di ko rin na-gets........ang lalim.............
Back to top Go down
tsetze
AWAT NA Level Tambalanista
AWAT NA Level Tambalanista
tsetze


Female
Number of posts : 2297
Age : 103
Location : molino
Club : PMEA
Hobbies : mag-update ng facebook
Registration date : 2007-04-24

Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime25th March 2008, 12:01 pm

mas masaya ba ung miss na nag-donate ng kulangot kesa ke kuya dahil di na nya kailangang problemahin kung san dadalin ng bata ang mga naipong kulangot? ganun ba???
Back to top Go down
xiaozhinzhu
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
xiaozhinzhu


Female
Number of posts : 7139
Age : 35
Location : quezon city
Hobbies : maglaro,mag-alaga ng babies,kumain,manood at matulog
Registration date : 2008-02-21

Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime25th March 2008, 9:54 pm

haist.., is there anyone who cares to explain that article??

Back to top Go down
Sponsored content





Palimos ng kulangot!! Empty
PostSubject: Re: Palimos ng kulangot!!   Palimos ng kulangot!! Icon_minitime

Back to top Go down
 
Palimos ng kulangot!!
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Tambalan-On-Line :: MEMBERS' CORNER: OFF TOPICS :: Mga Babasahin-
Jump to: