“Pilipino, Malaya ka ba?”
Yan tanong na yan ang daling sagutin ng “oo” noh? Pero itanong mo ulit sa sarili mo “Malaya ba ako? Syempre di ko tinutukoy kung nasa Munti ka at nasa SELDA #14, kungdi yung kalayaan natin sa kamay ng mga dayuhan. Ika-12 ng Hunyo taong 1898 nung pinroklama ni AGUINALDO na malaya na ang Pilipinas. Kahit sila sila lang sa Cavite ang nag proklama nun at inabot pa ng ilang buwan bago nakarating sa Mindanao, e masaya pa din mga Pinoy dahil naibenta, este binitiwan na tayo ng mga Kastila. Isaang Daan at Sampung taon na ang nakakalipas sa tingin mo malaya ba tayo talaga? Minsan nagmumuni muni ako naitanong ko na yan e, kung malaya ba ang Pilipinas talaga.
Kungdi ako nagkakamali, ang pinaglaban ng mga bayani natin noon e para mawala yung mga dayuhan na nagmamanipula sa isip, gawain, at kung ano-ano pa ng mga pinoy. MALAMANG kung buhay sila ngayong mga panahon na ito e tayo na ang ginigilitan at sinasaksak ng bolo ng mga yun. Bakit? Pagkatpos nilang makipagpatayan noon e mawawalang bisa lang pala lahat ng mga yun. Tignan mo. Kung tatanungin mo ako, e parang di ko masasabing ganap nga tayong malaya. Di man tayo sakop ng kahit anung bansa ngaun, e sakop naman nila ang isipan ng maraming pilipino. Saklap mang isipin pero pansin ang pag”sasakop” na ito ng ibang bansa. Kahit saan makikita mo ang “pananakop” na ito. Sa tv, makikita mo sila sa katauhan ng mga kabataan ngayon. Sa paraan ng pananamit, sa paraan ng pagkanta’t pagsayaw, sa pananalita, sa lahat!! Kaya minsan ayaw kong manood ng TFC at Pinoy TV e. Di ko alam ngayon pero dati naalala ko sa radyo e puro inglesero ang nagsasalita. Tipong pag di ka marunong mag english e wala kang karapatang mag DJ sa radyo, bat di sila magtagalog? Ewan ko. SA KALYE makakakita ka din ng tanda ng “pananakop”. Sa mga patalastas, sa billboard, sa department store, sa mga restaurant, sa mga KAPEHAN. Dati ko pa nababanggit toh pero di ko alam kung ano ang nakita ng mga pinoy sa ibang bansa at bakit kelangan nilang “magpasakop” dito sa mga to, may sarili naman tayo.
INGLES. Ayan daw ang pangalawang lengwahe sa pilipinas sumunod sa Pilipino. OK lang di ba.. ganun tlga kelangan nating matutong mag english para mas maging madali ang kalakalan sa ibang bansa. Pero nung narinig ko yung kaibigan kong hindi natanggap sa trabaho dahil kahit tapos naman sa pag aaral e hindi magaling ang pagsasalita niya sa ingles e medyo naginit ang ulo ko. MABUTI sana kung nasa ibang bansa ang kaibigan kong ito e kaso nasa pilipinas siya e. Uulitin ko nasa pilipinas siya at di siya tinanggap ng mga kapwa niya pilipino sa trabaho na matagal na niyang gusto dahil di siya magaling mag ingles. Ampootang yan. Ang pangit pa sa pinas. Pag di ka magaling mag english e pagtatawanan ka? Bakit? Di ko din alam. Kung dito nga na mali mali mag english ang mga kano bat sa pilipinas kelangan magaling ka pa?
STATESIDE. Wow imported. Lumaki ako sa panahon na mas sikat ka pag imported ang suot mo. Habang lumalaki din ako e tinatanong ko sa sarili ko kung bakit kelangang imported e magaling naman gumawa ng produkto ang mga pinoy? Nakakatuwa nga at marami akong nakikitang produkto dito na galing sa pilipinas “MADE IN THE PHILIPPINES” minsan pinagyayabang ko pa sa mga tao dito na “galing PINAS yan MATIBAY YAN” dahil totoo naman. Pati yung mga mamahaling damit na A&f, aeropostale, hollister, at marami pang iba ay gawa sa pilipinas. Sabi pa sa kin nung isang kano sa loob ng “A&F” na mahal daw ang produkto nila dahil galing pilipinas at hindi galing Tsina kaya mas matibay. Pag daw galing “philippines” e siguradong maganda ang gawa at mas pulido. KANO na ang nagsabi niyan. Kaya nakakapanglumo na malaman na mga PINOY mismo walang tiwala sa produktong pilipino.
Administrasyong Arroyo. Di mo kelangan maging matalino sa larangan ng politiko para malaman na PINAPAGALAW TAYO NG MGA KANO. Sa madaling salita, GARAPALANG PANANAKOP. Pag may problema ang Pilipinas, sa amerika agad ang takbuhan ng gobyerno para manghingi ng tulong, hindi lang alam ng madaming pilipino na ang “tulong” na yun e mas matindi ang kapalit. Isa na dito yung pagkampi natin sa GIYERA NI BUSH para angkinin ang langis ng Iraq. Mahirap resolbahin dahil kahit madaming nakaupo ngaun sa kongreso, sa senado at kung saan pang UPUAN ang tutol sa pag sakop ng amerikano sa pilipinas, wala silang magawa dahil yung NASA TUKTOK mismo e tuta ng kano. AYAW kong makita ang PILIPINAS sa KUKO ng mga IMPERYALISTA. Sorry na lang ba ang pinas? Sana wag.
Sa tingin ko hanggat hindi natutong mahalin ng pilipino ang pagka-pilipino niya e hindi tayo magiging malaya. Kung hindi mamahalin ng pilipino ang salitang Pilipino e hindi tayo ganap na malaya. Kung patuloy na hindi susuportahan ng mga pinoy ang gawa sa pinas e hindi tayo magiging malaya. Kung hindi titigilan ng nakararaming pinoy na sumamba sa kultura ng ibang bansa partikular na ng mga amerikano e hindi tayo tuluyang magiging malaya…..
..AT KUNG HINDI NILA TITIGILAN ANG PAGSAYAW NG “LOW – ni FLO’RIDA” sa IBAT IBANG NOON TIME SHOW IMBES NA MAGPAKITA NG TALENTONG PILIPINO, ay hindi tayo ganap na malaya.