Tambalan-On-Line
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Tambalan-On-Line

Mga Usapang Balahura at Balasubas!
 
HomeHome  PortalPortal  GalleryGallery  SearchSearch  Latest imagesLatest images  RegisterRegister  Log in  

 

 hay buhay

Go down 
5 posters
AuthorMessage
mommy28
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
mommy28


Female
Number of posts : 3430
Age : 39
Location : UAE
Registration date : 2008-09-22

hay buhay Empty
PostSubject: hay buhay   hay buhay Icon_minitime3rd June 2009, 9:35 pm

di ko alam kung paano ko ito sisimulan. (walang mamimilosopo.uupakan ko di ako nag bibiro.)


nagsimula lang ito kanina habang ka chat ko ang ate ko. tungkol sa amin dito sa Dubai. akala ata ng iba eh ang sarap sarap ng buhay namin dito. oo ginusto namin pareho ang mag trabaho dito para makatulong sa mga magulang namin. dahil kung sa pinas kami mag ta trabaho walang mangyayari sa totoo lang.


ang unang experience namin dito sa dubai sa tinutuluyan naming bahay. actually ate ko unang naka experience nito. nung first year nya sa duabi 6 lang sila sa bahay o villa kung tawagin dito. ok. komportable sya. 6 lang sila eh. tapos may mga dumating, 3 sila. they are working on auntie ann's pretzel dito sa dubai. dumating yung time na aalis yung land lord with his wife and baby need ng kahalile na maging land lord o land lady. in short taga singil ng upa sa tenants para ibigay sa land lord. ang gulo di ba?

so i will just call her ate tes. sya ang pumalit na land lady. need nya bayaran ang mga gamit dun sa bahay. tv, ref na ang taas siguro 4 feet lang, mga cabinet at double decks. so nagtaas sya ng singil sa bahay. di naman aabot sa 500 dhs. di pa kasama dun ang tubig at kuryente. so ayun. nagsimula ang kalbaryo ng ate ko. unti unti silang dumami bago ako dumating. may mga lalaki pa.wala magagawa ganito talaga dito. no choice. may choice pala pero talagang siksikan na. ayun umabot sa 10 tao sa maliit na bahay. maliit na cr ,maliit na ref. tiis lang ate ko.

ang mga kasama nya sa bahay? mag jowa na taga linis ata ng cr sa isang mall (di ko alam tawag dun), mag jowa din(live in as usual), isang lalaki na manager ng auntie ann's, si ate tes, 2 taga auntie ann's din, isang nag wowork sa nokia celfone shop, ang kaibigan ng ate ko, isang acconting clerk na babae. tapos last year dumating nag sister ni accounting clerk at ako. tapos andun na rin ang asawa ng kaibigan ng ate ko. ilan na? 13 katao nagkasya sa isang maliit na bahay. isang maliit na cr at mallit na ref.


yan buhay namin dito. kami ng ate ko sa taas ng double deck nakapwesto. magkatabi kami. at yung kaibigan nya at asawa nito nasa ilalim naman. may cover kami, kurtina. di ba ang galing? pagmamaligo ka di ka makapag bihis sa cr kasi may susunod na agad sa umaga yan ha. so ang kailangan naming gawin, akyat sa double deck itakip si kurtina, dun magbibihis. magbibihis ka ng nakaupo sa kama.

ang kusina laam nyo kung nasaan? nasa labas. sa may garahe. ang init init ng panahon dun ka mag luluto sa labas. pati lababo nasa labas.

meron naman cable ang tv tfc nung una. kaso di ma take ng ate ko. nagpakabit sya ng orbit. syempre kapuso kami eh.

sa gabi naman, kung kelang nakakatulog ka na saka dadating yung lalaking manager ng auntie ann's. ang ingay. ang lakas ng boses. maryosep. ang sarap sigawan na pwede ba may natutulog na. di lang ikaw ang tao dito!

yan ang araw na raw na buhay namin sa maliit na bahay na yun.

after ko mag exit sa oman last june 30, nag decide na ate ko na lumipat kami. sa kasamahan rin nya sa pinas dati. lalaki yun. pero ok naman di naman manyak eh. ok sila. 6 lang kami sa bahay. nung nagpaalam na ang ate ko kay ate tes aba ang lola di na kami kinikibo. dahil kaya mawawalan ssy ng kick back sa amin ng ate ko? magkano rin kami? nasa 800. meron pa pala. bayd ng ate ko ang isang bahagi ng double deck dun sa bahay na yun.dun DAPAT ako matutulog pero nag decide na lang ate ko na GAMIT LANG NAMIN DAPAT ang nakalagay dun. ang kaso saka lang amin na discover na kaunti lang ang gamit namin na dapat ay dun nakalagay. the rest gamit na ng mga kasama namin. paulit ulit yun sinasabi ng ate kay ate tes na paki ayos yung ibang gamit dun dahil di na namin makita yung gamit namin. wala dedma. dun na rin nag decide ate ko na umalis na kami sa villa na yun.


sa madaling salita nakahanp kami ng baging matutuluyan at bagong kasama. ok sila. mahilig mag luto ang landlord(bayaw ng nkasama ng ate ko sa pinas na nandito na rin) yung kusina nasa loob ng bahay. tama ang laki ng cr. at higit sa lahat 6 lang kami.


ramadan time ata yun. may gulong nangyari dun sa villa na pinanggalingan namin. ang wallet daw ni babaeng sa nokia celfone shop nagwowork ay nawala daw.may nagnakaw. samantalang katabi daw nya yung wallet nung natulog sya. sa wall side yung wallet. eh di yun na. nawawala na si wallet at mga credit card. nag umpisa na sya magtanong sa mga taong andun na naiwan. eh nung time na sinabi nyang nanakaw yung wallet tulog na ang lahat ng kasama nya sa bahay. ayun tumawag ng pulis. sa katapusan, pinaalis sila dun ng pulis kasi masyadong maraming tao. pati yung sa kabilang bahay napalis din kasi ramdan nag iinuman. damay damay na. sinabi pa nya na may gumamit ng credit card nya. di naman nya mapapa ikot ang kaibigan ng ate ko naiwan dun nun. kasi sa legal un nag wowork sa pinas. ayun ayaw nya pumyag na samahan sya ng kabigan ni ate sa banko.

conclusion namin: dahilan lang nya yun na ninakaw ang wallet nya kasi marami syang utang sa banko. ganun kasimple.



meron pa pala. may magnanakaw dun ng ulam. daga na 2 ang paa, may 2 kamay, at marunong gumamit ng kubyertos. baon sana namin ng ate ko yun kinabukasan pagkakita namin sa tupperware, sandok na lang ang andun.wala na ang ulam. kawawang daga gutom na gutom. (leche)


dun naman sa nalipatan namin ok. komportable. ang problema ko lang ay pag weekend. bakit kamo? yun lang an pgakakataon kong gumising ng tanghali. kaso big deal sa kanila yun. tatanungin si ate kung di pa raw ba nabubulok ang mata ko. kasi tanghali na ako nagising. eh ano naman kung tanghali na ako gumising???? tenants nila kami at di nila kami katulong sa bahay. from 5 days na gisng ng maaga dahil papasok sa work, i deserve naman siguro na gumising ng tanghali pag weekend di ba? mga pakialamero!!!!

ang bayad sa bahay ksama na dun tubig, kuryente at pagkain. ok di ba? yun nga lang mga inggrato sila.

hanggang sa lumipat sila sa malayo. anjan pa ako nun sa pinas. no choice ate ko kundi sumama sa kanila. ilang months lang sila dun kasi nag mahal. no choice parin ate ko kundi sumama at mag cash advance sa credit card nya pambayad ng adance sa bahay.

buhay nga naman.

dun sa nilipatan nila naabutan ko ng december pagbalik ko dito, sosyal ang cr may bath tub. kaso di ako nakapag lublob at napakalamig nung panahong yun.ehehehe

kaso ang kusina nasa labas na naman ng bahay. ok lang sa una. kaso sa transportation naman kami nahihirapan ng ate ko. gigising ng 5am. maliligo. di na nakakapag almusal sobrang aga eh. tapos ibaba kami sa location kung san kami ipi-pick up ng car lift namin pa puntang office. sa ganyang sistema nung una di ako sanay. dahil ang sikmura ko bumibigay. ang kinalabasan, sumusuka ako sa supot pagbaba. at sa cr ng suprmarket habang naghihintay kami dun sa talagang car lift namin. di pa yun. susuka pa ako sa cr dito sa office. yung tipong wala ng laman ang sikmura mo nasusuka ka pa rin. di ko alam kung bakit ganun. hanggang sa nasanay na ako sa sistema. ang kaso sa pag uwi. ibaba kami ng carlift, sasakay ng bus, tapos pick upin kami ng kasma namin sa bhay. 3 sakay. nakakapagod. hanggang alukin na kami ng carlift namin na dun na sa kanila lumipat. kasi alam nila ang pagod namin pauwi at pag papasok. pumyag si ate. buti na lang mabait sila walang advance at deposit. andun naman yung friend ng ate ko sa unang bahay. kahati namin sa room. may harang na ngayon.ehehehe.

ang kaso may premyo nga pala dun sa unang bahay at sa bahay ngyon. ano yun?


ang pesteng surot. na kahit saan nakakasiksik. dun sa unang bahay kahit nasaan sila.yung tabing namin ng ate ko ginaang bahay mga lintik na yan.

at sa bahay ngayon surot pa rin ang premyo mo. dito lang ako nakakita at nakagat ng surot!! ang luggage ko tinapon ko na. dahil binayahan na nila. ang kama namin ngayon yung kutchon pinuntahan na rin ng surot.

san galing ang surot ngayon sa kutchon namin? nag stock lang naman sila dun ng double deck na kahoy na puro surot.di na lang tinapon.dun pa nilagay.di pa kami nun kakalipat ng ate ko. ewan ko mga walang tamang pag iisp yung naglagay nung double deck na yun dun. yung namang kahait namin sa kwarto may alagang surot din. sa knila din nanggaling. sa amin tumakbo ang mga surot. kaya pala naririnig namin ng ate ko nag i-scotch tape sila. scotch ang gamit dito pang huli sa surot na naka singit!!!

at kaya pala panay ang galaw nila sa plastiks nila kasi masurot dun.

mga walang pag iisp.. nkaka inis.

yan ang buhay namin dito. akala nila msarap ang buhay? siguro nung matataas ang sahod dito oo.


sabihin na lang natin na nasahod ka ng 3000 dhs sa isang buwan

3000 - 7009bayad sa bahay) = 2,300

2300 - 350(bayad sa carlift) = 1950

1950 - 50(tubig at kuryente) = 1900

1900 - 400(budget for 1 month) = 1500

1500 - 1000(padala sa pinas. maximum na yan minsan. minsan dipende sa bayaran sa pinas) = 500

ang 500 bayad ko sa ate ko para sa share ko sa cash advance nya sa credit card.

oh di ba. may natitira pa ba sa akin? meron. sukli sa 400 na budget pambili ng pagkain for 1 month.kung meron man tam lang pang load.


di ako nagpapa awa. sinasabi ko lang ang totoo. dahil yan ang totoo eh.

kung nakikita nyo sa mga pixtures namin magkapatid na nakangiti kami, natural lang yun para makalimutan namin saglit ang kalagayan namin dito.

di ako nag sisisi na andito kami. kasi ginusto nga namin to gaya ng nasabi ko sa itaas. dasal ang sandata mo dito at lakas ng loob. kung di malask loob mo, di ka makaka abot ng isang taon dito. di katwiran ang mainit na panahon para bumigay ka sa laban. dapat kahit saang lugar ka mapunta meron ka dapat determinasyon, lakas ng loob, marunong mag dasal. kung wala ka nyan. wala ka rin.

ang iba sa kagipitan, kumkapit sa patalim. basta lang maibili ang kanilan mga luho. ang msaklap pa dun kababayan mo pa. kaya ang tingin ng ibang lahi dito sa mga pinay lahat bayaran o nagbebenta ng aliw.
Back to top Go down
echusa19
ADIK Level Tambalanista
ADIK Level Tambalanista
echusa19


Female
Number of posts : 1842
Age : 37
Location : antipolo
Hobbies : listening tambalan everyday
Registration date : 2008-05-15

hay buhay Empty
PostSubject: Re: hay buhay   hay buhay Icon_minitime4th June 2009, 3:48 pm

bowako hays samba pra ky mommy grabe hirap ng dinaan nyo jn s dubai... saludo ako at nkya nyo yun.. pining

your right mommy pg nsa ibng bnsa k o feeling mo ng iisa k just call God 🙏kc kylnman ndi nya tyo pba2yaan khit n minsan nka2limutan ntin xa pero xa anjan p rin for us handang tumulong.. bsta kip on praying lng lgi mommy i know kya nyo nmn yan eh..
Back to top Go down
mommy28
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
mommy28


Female
Number of posts : 3430
Age : 39
Location : UAE
Registration date : 2008-09-22

hay buhay Empty
PostSubject: Re: hay buhay   hay buhay Icon_minitime4th June 2009, 3:57 pm

salamat echusa..


kaya di rin ako payag sa rason na busy ang isang tao kaya di sya nakaka simba..

isipin mo na lang kung naging busy pagdating sa iyo si Lord? patay na...
Back to top Go down
Guest
Guest




hay buhay Empty
PostSubject: Re: hay buhay   hay buhay Icon_minitime4th June 2009, 4:40 pm

ahhh..graaveyscious parang ayaw ko na tuloy magabroad...haha..yaan ko nlng bf ko mag support sken..haha...nyeta tama ba kasing mga offer sken ee 400USD ano ko DH..haha..


tama tama di nlng ako aalis bka mapariwara pa ko abroad..haha..pero if the price is right go go go...
Back to top Go down
mommy28
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
mommy28


Female
Number of posts : 3430
Age : 39
Location : UAE
Registration date : 2008-09-22

hay buhay Empty
PostSubject: Re: hay buhay   hay buhay Icon_minitime4th June 2009, 7:03 pm

seriously speaking ang mga dh minsan na re rape. minsan kung ano yun napag usapan na sahod di nila nakukuha yun. masyado silang naaabuso


Last edited by mommy28 on 4th June 2009, 7:05 pm; edited 1 time in total
Back to top Go down
mommy28
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
mommy28


Female
Number of posts : 3430
Age : 39
Location : UAE
Registration date : 2008-09-22

hay buhay Empty
PostSubject: Re: hay buhay   hay buhay Icon_minitime4th June 2009, 7:04 pm

if may chance lang ba na mamili sila ng work bakit ang hindi.
Back to top Go down
prinxesza08
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
prinxesza08


Female
Number of posts : 6063
Age : 30
Location : manila.
Club : Conference, THE POWER PUFF GIRLSS! :D
Hobbies : Sleeping, Net && Texting. Haha [[; STUDYiNG??ΓΌΓΌ Ow Kumonn!!
Registration date : 2008-03-29

hay buhay Empty
PostSubject: Re: hay buhay   hay buhay Icon_minitime4th June 2009, 7:18 pm

hahaha. hirap basahin mami. haba. pero tinapos ko.
mas mhrap dinanas mo jan kesa dinanas ko sa pagbabasa eh.
hehe =D ang mganda pa dun, pag tingin ko sa selpon ko,
parang sabi ko, ang liit ng font sa selpon ko. hahaha ((:





tamaa Very Happy pray lng & determination Wink


goodluck pu sau Very Happy
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/lovecoffeeprincess
cheechai
BIBO Level Tambalanista
BIBO Level Tambalanista
cheechai


Female
Number of posts : 887
Age : 41
Location : GenSan
Hobbies : movie marathon
Registration date : 2008-11-12

hay buhay Empty
PostSubject: Re: hay buhay   hay buhay Icon_minitime4th June 2009, 7:49 pm

go go go ka lang mommy..

hayaan mo sila...
at least u have your ate their..suporthan lang kayo
and always pray lang
Back to top Go down
mommy28
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
mommy28


Female
Number of posts : 3430
Age : 39
Location : UAE
Registration date : 2008-09-22

hay buhay Empty
PostSubject: Re: hay buhay   hay buhay Icon_minitime4th June 2009, 8:23 pm

ikaw talag sisa..

para di kayo mahirapan magbasa.. kahapon nga habang binabsa ko yan ang liit ng tingi nko sa mga letra sa lahat ng website.

pag may pumasok ulit sa isip ko.. lagay ko ulit dito.

di ako pwede mag blog.lagot ako.ahahahahaha


kadalasn din dito malalaman ang tunay na ugali ng kababayan mo.

meron nga ako pinapakinggan sa filipino radio station dito pag gabi. ang asawa nya(lalaki asawa nya) nakita in bed ( in action pa ata) with her best friend. she asks her best friend bakit?

ang sagot lang "becasue this is dubai"


ang landi di ba?


so kung andito ka sa dubai lalandi ka na?

may kapalit yun. pag dating ng araw.di man dun sa nang agaw ng asawa pero sa magiging anak nya.
Back to top Go down
cheechai
BIBO Level Tambalanista
BIBO Level Tambalanista
cheechai


Female
Number of posts : 887
Age : 41
Location : GenSan
Hobbies : movie marathon
Registration date : 2008-11-12

hay buhay Empty
PostSubject: Re: hay buhay   hay buhay Icon_minitime4th June 2009, 11:10 pm

hala, masyadong bongga naman ang sagot ni bestfriend..
sarap ibitin patiwarik ah...

eh ung husband ano sagot? ehehe
Back to top Go down
Guest
Guest




hay buhay Empty
PostSubject: Re: hay buhay   hay buhay Icon_minitime5th June 2009, 6:11 pm

alm ko..ang sagot nya...lalake lang ako...utang na loob..haha
Back to top Go down
echusa19
ADIK Level Tambalanista
ADIK Level Tambalanista
echusa19


Female
Number of posts : 1842
Age : 37
Location : antipolo
Hobbies : listening tambalan everyday
Registration date : 2008-05-15

hay buhay Empty
PostSubject: Re: hay buhay   hay buhay Icon_minitime5th June 2009, 6:19 pm

utang n loob kung sagot nya ganoon.. sarap ihampas s pader n my bardwire yn..lalake lng ako!!!hmmpp mga la2ke tlga ndi mkuntento..
Back to top Go down
prinxesza08
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
prinxesza08


Female
Number of posts : 6063
Age : 30
Location : manila.
Club : Conference, THE POWER PUFF GIRLSS! :D
Hobbies : Sleeping, Net && Texting. Haha [[; STUDYiNG??ΓΌΓΌ Ow Kumonn!!
Registration date : 2008-03-29

hay buhay Empty
PostSubject: Re: hay buhay   hay buhay Icon_minitime6th June 2009, 8:17 pm

ganun ba sagot dun. parang hnd naman. lintek. haha.
kangkaroooot Very Happy
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/lovecoffeeprincess
mommy28
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
mommy28


Female
Number of posts : 3430
Age : 39
Location : UAE
Registration date : 2008-09-22

hay buhay Empty
PostSubject: Re: hay buhay   hay buhay Icon_minitime9th June 2009, 1:59 pm

malamang di na sumagot yung asawa nya
Back to top Go down
abbec
ADIK Level Tambalanista
ADIK Level Tambalanista
abbec


Male
Number of posts : 1727
Age : 52
Location : philippines
Registration date : 2008-10-16

hay buhay Empty
PostSubject: Re: hay buhay   hay buhay Icon_minitime11th June 2009, 11:23 am

ang alam ko sa islam culture, ang mga lalaki ay polygamous, ask ko lang... kabisyong mommy.... jan ba sa dubai uso pa ba ang lalaking maraming asawa at kabit?



Back to top Go down
mommy28
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
mommy28


Female
Number of posts : 3430
Age : 39
Location : UAE
Registration date : 2008-09-22

hay buhay Empty
PostSubject: Re: hay buhay   hay buhay Icon_minitime11th June 2009, 2:36 pm

abbec wrote:
ang alam ko sa islam culture, ang mga lalaki ay polygamous, ask ko lang... kabisyong mommy.... jan ba sa dubai uso pa ba ang lalaking maraming asawa at kabit?






malamang kuya uso pa rin yun.di yun mawawala dito.kahit nga hndi muslim may mga kabit dito.
Back to top Go down
Sponsored content





hay buhay Empty
PostSubject: Re: hay buhay   hay buhay Icon_minitime

Back to top Go down
 
hay buhay
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» ....nakakaazar na ang buhay na to!!!!
» ANG TAMBALAN SA BUHAY MO?!!!
» hay... buhay... i want to OSCULATE him
» Song ng Buhay ko...
» sino ba si TONIO sa buhay ng TAMBALAN???

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Tambalan-On-Line :: MEMBERS' CORNER: OFF TOPICS :: Mga Babasahin-
Jump to: