| Manong PARA!!! | |
|
+10xiaozhinzhu dyosang_marikit Sunshine zyra xXxShulalaxXx mukamoh charothe revelation kazzy vInTaGe @mars 14 posters |
Author | Message |
---|
@mars Tambalanista
Number of posts : 442 Age : 40 Location : Parañaque Hobbies : reading,paint,listening music... Registration date : 2007-04-27
| Subject: Manong PARA!!! 30th April 2007, 3:03 pm | |
| Manong, para!!! fr.peyups.com Contributed by yukichiyu (Edited by amplifier)
Ambaho ng katabi ko sa jeep. Nakakahilo ang amoy niya. Mas pipiliin ko pang langhapin ang nilalabas na usok ng mga smoke-belchers sa EDSA kesa singhutin ang anghit niya.
At hindi lang yun: babae siya.
Mahaba ang buhok niya, pero parang ilang linggo nang hindi naliguan. May kaitiman ang kulay ng balat niya, parang champoradong OA sa gatas. Ayos lang naman eh, kahit na malagkit at naninikit na ang braso niya sa braso ko. Amoy pawis, usok at isa pang kabahuan na hindi ko maisip kung ano. Kahit gaano pa kabalis makipag-drag race, err... "magmaneho" ang driver ng jeep ay hindi pa rin maiwan iwan ang amoy niya. Mga dalawang kilometro palang mula sa pinagsakyan ko, hindi ko na natagalan. Bumaba rin ako ng jeep, at sumakay ng FX.
Marami akong kinakaasaran sa mundo ng pagco-commute. Naiinis ako kapag mahirap sumakay ng FX o jeep, kapag may amoy na hindi kaaya-aya ang nasakyan ko, kapag walang panukli ang nasakyan ko, kapag walang baryang panukli ang nasakyan ko, kapag hindi ako nasuklian ng nasakyan ko at kapag ilang libong taon na akong sumisigaw nga "PARA!" at hindi pa rin tumitigil ang nasakyan ko. Pero mas asar ako sa mga taong hindi ata alam ang salitang "PRIVACY".
Naranasan mo na ba na nasa isang lugar, sabihin na nating sa LRT (naks, purple line!), masaya kang nakikipagtext sa kaibigan mo nang mapansin mong si Manong Number 1- tawagin natin siyang si "MN1"- ay binabasa ang mga text mo. Hinayaan mo lang siya, pero makalipas ang ilang istasyon, nakikibasa parin at nakikitawa na siya! Aba! Close kayo?
Eh naranasan mo na ba na si Manong Number 2 (MN2) ay sobra naman ang bukaka sa jeep? Kulang na lang eh angkinin niya ang buong jeep sa upo niya... Upong sampung piso siya, samantalang ikaw, upong bentsingko.
Yung iba naman, si Manong Number 3 (MN3), mahilig ihampas sa mukha mo ang braso niya. Yung nakahawak si MN3 sa... sa... pasensiya na hindi ko maalala kung ano ang tawag, basta yung tubo na hawakan sa loob ng jeep. Doon nakahawak siya at sobrang extended ang braso niya na pati buhok ng kilikili niya nakadikit na sa ilong mo.
Hindi lang yan... marami pa. Mga bastos na nanghihipo ng pwet kapag pasakay ka o pababa, mga sumisigaw ng "hi miss!" sa kalsada, mga sobrang pawis at putik (hindi ko kasalanan!), mga tulo-laway habang padampi-dampi ang ulo nila sa balikat mo, mga OA sa dalang gamit na pati ikaw eh patungan na. Mga "pet peeves" kumbaga sa mundo ng mga commuter. At lahat yan, sanayan lang.
Pero ano nga ba ang gusto kong ikalat sa inyo? Ah, yung mabaho kong katabi. Mabaho talaga siya, kaamoy ng isang nationality. Nung nasa FX na ako, nahiya ako sa sarili ko. Sino nga ba ako para husgahan siya bilang isang tao gamit lamang ang amoy niya? Ano ba ang nalalaman ko tungkol sa kanya? Wala... kaya pasikreto na lang akong humingi ng tawad sa mga naisip ko habang katabi siya.
Sadyang mabilis ata ang karma. Pagbaba ko ng FX, may rumagasang jeep at natalsikan ako ng putik- mula ulo hanggang paa. Isa pa ito, pagcocommute habang umuulan... pero ibang kwento na yan.
Last edited by on 9th May 2007, 12:13 pm; edited 2 times in total | |
|
| |
*[cams]* Guest
| Subject: Re: Manong PARA!!! 30th April 2007, 6:07 pm | |
| basta tungkol s nkasaky mo sa jip ung kwento.. |
|
| |
vInTaGe ADIK Level Tambalanista
Number of posts : 1315 Age : 36 Location : Alabang City Registration date : 2007-04-12
| Subject: Re: Manong PARA!!! 30th April 2007, 11:20 pm | |
| don't judge a person by his/her cover, he is not a plastic cover.. | |
|
| |
kazzy BIBO Level Tambalanista
Number of posts : 948 Age : 34 Location : Moonwalk, Parañaque city Club : adikadik club, arts club(elementary?!) Hobbies : reading, listening to music, sleeping, watvhing tv, singing, laughing... Registration date : 2007-04-18
| Subject: Re: Manong PARA!!! 1st May 2007, 6:24 am | |
| mron pang nkakaasar sa pgcocmmute. lalo na sa FX. pg nkakatulog ung ktabi mo tas bgla nlng mpapahiga sa balikat mo. kulang nlng mpgkamalan kaung mg-shota nun e. | |
|
| |
*[cams]* Guest
| Subject: Re: Manong PARA!!! 1st May 2007, 5:33 pm | |
| kpg nmn type mo ung nksandal sa balikt mo jacpot e!! |
|
| |
revelation Tambalanista
Number of posts : 268 Age : 40 Location : Valenzuela Club : clubhouse Hobbies : Web Designer/Flash Programmer Registration date : 2007-05-18
| Subject: Re: Manong PARA!!! 29th May 2007, 12:08 pm | |
| nung isang araw may chix sumasandal sa balikat ko inaantok... kamusta naman yun? kumislot ako.... | |
|
| |
charothe ADIK Level Tambalanista
Number of posts : 1311 Age : 36 Location : Bulacan Registration date : 2007-04-13
| Subject: Re: Manong PARA!!! 1st June 2007, 8:26 am | |
| Meron pa.. kapag nakasakay aq sa bus.. taz ung katabi mo eh mahaba ang buhok at nakalugay.. pag-andar ng bus hayun parang winawalis ang muka mo.. hay nako! kabadtrip diba? | |
|
| |
mukamoh Ibang Level na Kabisyo
Number of posts : 75 Age : 34 Location : pasig Registration date : 2007-04-12
| Subject: Re: Manong PARA!!! 1st June 2007, 3:09 pm | |
| e2 exp. koh nung dumura ako dun sa jeep habang umaandar tinamaan ung nasa likod koh and she said "AY UMAAMBON" aun tahimik nalang ako! | |
|
| |
xXxShulalaxXx Ibang Level na Kabisyo
Number of posts : 52 Age : 31 Location : pasig Hobbies : mATulOG..kUmaIN.. Registration date : 2007-06-01
| Subject: Re: Manong PARA!!! 2nd June 2007, 9:33 am | |
| mron pang nakakainis sa pagcocomute,un ung mga driver na,bumababa ka plang,umaandar,handa na xa pra sa isa pang destinasyon,ung halos halikan mo na ung daanan dhl nga,asa "stepping ladder">nu ba twag dun???< ka plang nung jip umaarangkada na po xa sa blis!!!hay naku..srap tuktukan nung driver!! | |
|
| |
Sunshine zyra Alagad ng Tambalan
Number of posts : 123 Age : 33 Location : Paliparan Dasma. Cavite Hobbies : Acquire.. acquire.. acquire books.. Registration date : 2007-04-25
| Subject: Re: Manong PARA!!! 2nd June 2007, 10:57 am | |
| nakakaasar sa pagcocomute pag nakatabi ka ng mataba taz sinisiksik ka... God!!! | |
|
| |
dyosang_marikit Alagad ng Tambalan
Number of posts : 148 Age : 43 Location : manila Registration date : 2007-05-24
| Subject: Re: Manong PARA!!! 6th June 2007, 5:16 pm | |
| ang nanakakabwisit eh ung terminal ng fx so bago umalis ang fx kelangan bayad lahat ng pasahero eh syempre nagmamadali tayo every morning kaya ang dala nating pambayad exact lang pero ung mga ibang pasahero eh parang atm machine puro buo walang barya ang siste late to the max ka kasi look pa ang dispatcher ng panukli. waaaaah kamusta naman un. sabi nga BARYA LANG PO SA UMAGA NG DI MAABALA. kaiinis ha! | |
|
| |
xiaozhinzhu 'Di na TAO Level Tambalanista
Number of posts : 7139 Age : 36 Location : quezon city Hobbies : maglaro,mag-alaga ng babies,kumain,manood at matulog Registration date : 2008-02-21
| |
| |
sarahjorge2004 BIBO Level Tambalanista
Number of posts : 920 Age : 37 Location : makati city Registration date : 2008-02-06
| |
| |
canch10 Alagad ng Tambalan
Number of posts : 124 Age : 34 Location : quezon city, philippines Hobbies : mag laro ng audition..at higit sa lahat makinig ng tambalan..at jumong fanatic din sama mu na bleach Registration date : 2007-05-29
| Subject: Re: Manong PARA!!! 8th March 2008, 7:47 pm | |
| | |
|
| |
nicolymitation ADIK Level Tambalanista
Number of posts : 1720 Age : 33 Location : rosario,cavite Club : wala na,.. club ng mga tambay at adik sa tambalan Hobbies : hobbies??? magbilang ng pako.. boys watching Registration date : 2007-12-27
| Subject: Re: Manong PARA!!! 23rd March 2008, 6:18 pm | |
| | |
|
| |
xiaozhinzhu 'Di na TAO Level Tambalanista
Number of posts : 7139 Age : 36 Location : quezon city Hobbies : maglaro,mag-alaga ng babies,kumain,manood at matulog Registration date : 2008-02-21
| Subject: Re: Manong PARA!!! 25th March 2008, 10:37 pm | |
| ala nmn ibang pwedng gwen kundi magpasensya db?? haist.., basta kalurkei tlaga magcommute!
|
|
| |
|
| |
prinxesza08 'Di na TAO Level Tambalanista
Number of posts : 6063 Age : 30 Location : manila. Club : Conference, THE POWER PUFF GIRLSS! :D Hobbies : Sleeping, Net && Texting. Haha [[; STUDYiNG??üü Ow Kumonn!! Registration date : 2008-03-29
| Subject: Re: Manong PARA!!! 29th March 2008, 10:30 pm | |
| wahehe..nkakainis nga mga gniang experience.. pero let me share my tita's experience.. (may she rest in peace!) ngwork xa before sa St.Luke's Medical Center bilang Manager ng isang ka.chorbahan dun.. then nung pauwe na xa,ilang beses xa ngbye dun sa friend nia na doctor.. so pgsakay nia ng jeep, she accidentally said: "ma, babay." instead of "ma bayad." then npatawa xa at kinorect ulit yung mali nia. i think sobrang natawa xa sa sarili nia dt time so buong biyahe niya, yun lng ang nasa icp nia xka the doctor na pinag.babayan nia..kya ngkamali nanaman xa.. kxe nung ng para na xa sa jeep, instead of saying "ma, para" she accidentally said: "doc, para.." since that time samin xa nakatira, kinuwento nia yun samin and tawa tlga q ng twa.. may she rest in peace.. (npag.usapan lng po ninang!) --as i fondly call her kht na nd q naman xa ninang.. well, kilala xa bilang ninag ng bayan.. xe saming mgpipinsan sa side ng mama q, lht twag sa knya "ninang" kht na isa lng ang tunay niang inaanak smin.. hahaha.. share q lng po!ü | |
|
| |
Sponsored content
| Subject: Re: Manong PARA!!! | |
| |
|
| |
| Manong PARA!!! | |
|