| PANANDALIANG ALIW | |
|
+7dyosang_marikit revelation fEhj @reymil timamanokum vInTaGe @mars 11 posters |
Author | Message |
---|
@mars Tambalanista
Number of posts : 442 Age : 40 Location : Parañaque Hobbies : reading,paint,listening music... Registration date : 2007-04-27
| Subject: PANANDALIANG ALIW 1st May 2007, 9:01 am | |
| Panandaliang Aliw Contributed by Ireneeeeee (Edited by blue_kuko) fr.peyups.com Grade four pa lang ako, natuto na akong mag-commute. Dalawang traysikel at isang jeep papuntang school. Sinubukan ko rin namang mag-service pero dahil inaaway lang ako at binu-bully ng mga ka-service ko nung makitang butas medyas ko, desidido na akong makipagsapalaran na lang sa mga nagliliparang mga trak sa highway kaysa umuwing umiiyak araw- araw.Masaya mag-commute.Kahit nakakapagod, ‘di naman matutumbasan nito ang ‘adventure’ na makukuha mo sa araw araw. Iba’t ibang mukha, iba’t ibang pangyayari. Minsan, yung nangyari ngayon parang nangyari kahapon pero minsan may mga nangyayaring hindi mo makakalimutan kahit maging lola ka na at lumilipad na ang mga sasakyan, hindi na gumugulong. At bawat araw, iba- iba rin ang mga nakakasalamuha mong tao. May ubod ng pangit, ubod ng pogi, ubod ng ganda na nakakatibo, ubod ng maniac. Exciting hindi ba. Sa tuwing may makakatabi akong kyut, tinututuring kong lucky day ko iyon kahit bagsak bagsakan ang mga surprise quizzes at finals ko, kahit naka-miss ako ng recitation dahil nagcut ako ng klase, kahit kaka-bad trip mag-lunch sa CASAA na parang sauna. Tinuturing ko silang panandaliang aliw. Ansaya saya magkaroon ng katabing kyut sa fx lalo na kapag traffic. Humihiwalay ang reyalidad sa sistema ko habang nag-iilusyon na what if girlfriend ako ng katabi ko, kung kunwari magtulug- tulugan ako at sumandal ako sa balikat niya’y papayag kaya siya o dudukutan niya ako ng cellphone at wallet.. haha.Marami- rami na rin sila. Merong may mga kasamang GF na insecure na kung makakapit sa boyps nila ay parang tuko. In fairness mukha rin kasi silang tuko. Meron din namang nagpapapampam sa pamamagitan ng pagkanta out of nowhere, hindi ko nga maintindihan kung kikiligin ba ako o matatakot, medyo creepy kasi, marami rin namang BF na BF ang dating pero BF din pala ang hanap nila. Pero sa dinami- dami nila, mayroong nag-iisa na kakaiba talaga. Hanggang ngayon, napapaisip pa rin ako ng puro ‘what- ifs’ sa tuwing naaalala ko siya… Sa Shaw ako sumasakay ng fx o van pauwi. 8pm nun, Martes. Pagsakay ko ng van, isa na lang kulang. At grabe, ang gwapo ng makakatabi kong yuppie kaya lang mukhang brat at may ere. Pagsakay ko, bumaba yung isang ‘mukhang tatay’ sa gilid sa may pintuan dahil nasikipan bigla..ewan. Baka nagka-LBM. Aalis na sana kami inistart na yung sasakyan nung bumaba siya. At wala kaming choice kundi maghintay ng pupuno sa kulang. Nagmumuni- muni na lang ako habang nakatanaw sa windshield.. bigla na lang may isang kyut na yuppie uli sa labas parang naghihintay ng gf o ng sasakyan. Aba..maskyut ito. hehehe. Matangkad mga 5’10’, clean cut na naka-gel, blue polo, may clutch bag, mukhang papasok pa lang kahit pauwi na. Mukhang typical na leading man sa isang koreanovela. Mala Cyrus ni Kim Sam Soon. Bagay kami pretty rin naman ako at matangkad.Syempre kinapalan ko na mukha ko.Kaya habang naghihintay, heto na naman ako. Nag-da-daydream kahit gabi na. Tinitigan ko lang siya habang sinasambit sa isipan kong ang swerte naman ng syota nito. Hanggang sa bigla na lang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang biglang tumingin siya sa akin. Huli na nang ma-realize kong kitang- kita pala akong nakatanga sa kanya sa loob ng van dahil bukas ang ilaw sa loob.Nakakahiya. Kunwari tinignan ko sa relo kung anong oras na. Buti na lang umalis na siya pagtingin ko uli at may dumating na rin na pasahero na kukumpleto sa amin. Napahinga ako nang malalim nang biglang…omygad. Makakatabi ko pala si ‘dreamboy’ huhuhu. Kulang na lang magmaskara ako sa hiya.Hay.Sa biyahe, di ako mapakali. Paano, masikip ang van at dama ko ang bawat kibot niya. Napagtanto kong hindi rin siya mapakali. Sa aking peripheral vision ay nakikita kong tumitingin siya sa akin. Sinubukan kong tingnan siya habang tinatakip ang mahaba kong buhok. Nahuli niya ako kaya kunwari ay tumingin na lang rin ako sa direksiyon kung saan siya tumitingin yung tipong kunwari ang akala ko may tinitignan din siyang iba. Nakakatawa. Mukhang tanga.Kinakabahan ako. Nahihirapan akong huminga sa takot na marinig niya at maramdaman ang mabilis at malalim kong paghinga. At ewan kung nananadya siya dahil makailang beses din siyang napapabuntong- hininga at nag- "aahem." Basta kakaiba ang kutob ko. 99.9% sure ako na kapag tumingin ako sa kanya ay kakausapin niya ako.Pero hindi ako tumitingin. At hindi rin siya tumitigil sa kakatingin. Kulang na lang hawiin niya ang mahabang buhok ko at sinasadya ko namang ibagsak pa ito lalo sa pamamagitan ng pagtungo at pagtulog kunwari. Nakikiramdam ako. Siyempre kailangan maging Maria Clara kahit konti. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito ngayon sa akin...
This is it. This is really is it.Kaya hinanda ko na ang sarili kong kausapin siya at tanungin kung anong problema niya..Baka naman akala lang niyang mandurukot ako?! Hehe. Bahala na basta kakausapin ko siya. Huminga ako ng malalim habang sina-psyche ang sarili. Kaya mo yan gurl. At pag- angat ko ng ulo ko...“Manong diyan lang sa tabi.”Sabi niya habang tinititigan ako ng tipong "pakshet, bakit ngayon ka lang tumingin sa akin?!! Sana magkita uli tayo...miss."Sabay malakas na bagsak ng pinto.
Last edited by on 9th May 2007, 12:11 pm; edited 2 times in total | |
|
| |
vInTaGe ADIK Level Tambalanista
Number of posts : 1315 Age : 36 Location : Alabang City Registration date : 2007-04-12
| Subject: Re: PANANDALIANG ALIW 1st May 2007, 7:16 pm | |
| is this your work? personal experience? | |
|
| |
timamanokum Tambalanista
Number of posts : 263 Age : 38 Registration date : 2007-04-11
| Subject: Re: PANANDALIANG ALIW 2nd May 2007, 4:03 am | |
| ^Nope. This, I believe, was lifted from Peyups.com. Nabasa ko na sa peyups 'yung ilan sa mga pinost ni mars eh. At sana i-cite niya 'yung pinagkuhaan niya. | |
|
| |
vInTaGe ADIK Level Tambalanista
Number of posts : 1315 Age : 36 Location : Alabang City Registration date : 2007-04-12
| Subject: Re: PANANDALIANG ALIW 2nd May 2007, 9:55 am | |
| kaya nga eh worried din ako kung di niya to work.. baka makasuhan pa tayo plagia.. | |
|
| |
@reymil BIBO Level Tambalanista
Number of posts : 781 Age : 35 Location : Valenzuela City Hobbies : tumunganga?? Registration date : 2007-04-08
| Subject: Re: PANANDALIANG ALIW 2nd May 2007, 5:48 pm | |
| uu nga...palagiarism....wahaha..ayoko makulang huh... | |
|
| |
fEhj Tambalan Team Member
Number of posts : 163 Age : 35 Location : Fort Bonifacio Club : Club 69 Hobbies : Mag "J" Registration date : 2007-04-08
| Subject: PANANDALIANG ALIW 13th May 2007, 8:49 pm | |
| watever!!! ang cute ng story super!!! anong cite??? -fEhj- | |
|
| |
revelation Tambalanista
Number of posts : 268 Age : 40 Location : Valenzuela Club : clubhouse Hobbies : Web Designer/Flash Programmer Registration date : 2007-05-18
| Subject: Re: PANANDALIANG ALIW 28th May 2007, 3:37 pm | |
| laging nangyayari sa akin yan...well uhm... lagi akong mukhang tanga... mabilis kasi ako mamula... lagi kasi ako napag tri-tripan lalo na kung marami silang magkakasama.i hate when it happens, lalo na kung bakla may trip sa akin. pero pag mag-isa lang sya... at mag isa lang din ako... kahit gusto ko makipag kilala di ko kaya... nkakahiya. pero pag marami sila... di ko rin kaya kasi mukha akong tanga... hays kaya ako... never ko nang maiisip na makikilala ko ang super cute at seksing chiz sa kahit sa anumang pampasaherong sasakyan. | |
|
| |
dyosang_marikit Alagad ng Tambalan
Number of posts : 148 Age : 44 Location : manila Registration date : 2007-05-24
| Subject: Re: PANANDALIANG ALIW 28th May 2007, 5:54 pm | |
| heheheh akala ko kay mags na ito... | |
|
| |
charothe ADIK Level Tambalanista
Number of posts : 1311 Age : 36 Location : Bulacan Registration date : 2007-04-13
| Subject: Re: PANANDALIANG ALIW 1st June 2007, 8:33 am | |
| Basta ang ganda ng story.. ang galing ng pagkakagawa.. | |
|
| |
blacksparrow Tambalanista
Number of posts : 235 Age : 40 Location : 306 juan luna st. San Roque Cavite City..(sa likod ng dating meralco) (kulay green na two storey) Club : club house Hobbies : chatting, texting everything butingting Registration date : 2007-04-19
| Subject: Re: PANANDALIANG ALIW 1st June 2007, 9:56 am | |
| hindi poh ako makarelate kasi hindi ko naman binasa ang storya hehehehehe | |
|
| |
xiaozhinzhu 'Di na TAO Level Tambalanista
Number of posts : 7139 Age : 36 Location : quezon city Hobbies : maglaro,mag-alaga ng babies,kumain,manood at matulog Registration date : 2008-02-21
| |
| |
tsetze AWAT NA Level Tambalanista
Number of posts : 2297 Age : 104 Location : molino Club : PMEA Hobbies : mag-update ng facebook Registration date : 2007-04-24
| Subject: Re: PANANDALIANG ALIW 22nd February 2008, 10:27 am | |
| base on experience ba yan?????? | |
|
| |
Sponsored content
| Subject: Re: PANANDALIANG ALIW | |
| |
|
| |
| PANANDALIANG ALIW | |
|