@mars Tambalanista
Number of posts : 442 Age : 40 Location : Parañaque Hobbies : reading,paint,listening music... Registration date : 2007-04-27
| Subject: Naiutot mo na ba ang pananampalataya mo? 1st May 2007, 2:48 pm | |
| Naiutot mo na ba ang pananampalataya mo? Contributed by shisha (Edited by amplifier) fr.peyups.com
Nakakahiyang aminin, babae pa man din ako. Pero… sige na nga. Isang madaling araw habang nasa kasagsagan kami ng worship (may special recollection kasi sa YFC), kinalabit ako ng kalikasan. Hmp… nauutot ako! (dyahe) Pero oo talaga, naramdaman ko nga biglang nauutot ako. Kainis! Seryoso pa man din ako sa praise fest at feel na feel ko na ang presence ni Lord God, tapos bubulabugin ako ng masamang hangin na nagpupumiglas sa behind ko?! Grr. Nahati tuloy ang concentration ko - una ay ang i-worship ang Panginoon, at ang nakakahiyang pangalawa, ang pigilin ang utot ko.
Papalakpak ako habang kakanta, i-p-praise ang Panginoon, tapos matitigilan sa kalagitnaan dahil kailangan kong pigilang lumabas ang masamang hangin. Mawawala ang feeling. Tuloy sa worship. Tapos babalik na naman. Argh. Istorbo talaga! Alangan namang hayaan kong lumabas yun, makakatakas nga ako sa mahirap na sitwasyon, pero mga brothers and sisters ko naman ang pahihirapan ko sa bad oxygen. Hay… So I chose to keep the burden to myself.
Hala sige, nag-worship at nagpigil ako nang sabay hanggang sa… Ting!
Bigla kong naisip na parang FAITH pala ang utot na pilit kong pinipigilan.
(Violent reaction ng reader: Huh?!! Faith, parang utot?!! Oh, c’mon!!)
Pero hindi ka nagkamali ng basa, yun nga talaga ang pumasok sa minsang may sense kong kukote. Somehow synonymous sa fart ang faith. Maraming tao ang pilit na pinipigilang “i-utot” ang pananampalataya nila, natatakot at nahihiya sa paglayo at pangungutya ng mga tao na dulot ng “stereotyped cheesiness” kapag pinahayag nilang they are serving in God’s army. Cheesy o corny, bahala na kung anuman ang gustong itawag ng karamihan. Kapag itinataguyod mo ang conviction mo para sa Kanya, gagawin kang main course ng asaran. Ang sarap pagtawanan. Ang sarap kutyain. “Baka masunog ako ‘pag lumapit ako sa banal!” Ang sarap layuan. Parang utot.
At tinapik nga ako ng sarili ko nang maisip ko ‘to. Ano’ng ginawa ko? Pinigilan ko ang utot ko dahil takot ako na pagtawanan at layuan ng mga kasama ko. At siguro nga, katulad din ng sa faith ko, hindi pa rin ako ganoon ka-convicted. Kulang pa ang praises ko, ang worship at mga dasal ko, ang pagiging “God’s instrument” ko. He called me by name, pero bigla kong naramdaman na kulang pa ang mga ginagawa ko para panindigan ang pagiging “chosen one” ko.
Pinagdasal ko na sana unti-unti akong dumating sa araw na matapang ko ng maiuutot ang pananampalataya ko. No fears. No hesitations. Just me and my big faith in Him, na kahit ga’no pa “ka-baho” sa madla ang ilalabas ko, may isang hindi ako iiwan. Hinding-hindi kahit kalian.
Handa ka bang hindi pigilan ang isang mabahong utot?
Last edited by on 9th May 2007, 12:12 pm; edited 2 times in total | |
|
*[cams]* Guest
| Subject: Re: Naiutot mo na ba ang pananampalataya mo? 1st May 2007, 5:38 pm | |
| |
|
vInTaGe ADIK Level Tambalanista
Number of posts : 1315 Age : 36 Location : Alabang City Registration date : 2007-04-12
| Subject: Re: Naiutot mo na ba ang pananampalataya mo? 1st May 2007, 7:20 pm | |
| sana inutot mo nalang.. sabay bintang sa katabi.. HAHA j/k!! | |
|
rence0722 BIBO Level Tambalanista
Number of posts : 579 Age : 32 Location : QC Club : gRuPobEnTe ng CaLaviTe... Hobbies : net-hopping... Registration date : 2007-04-10
| Subject: Re: Naiutot mo na ba ang pananampalataya mo? 1st May 2007, 8:18 pm | |
| :cry2:nakakaiyak tlaga lhat ng mga nangyari sau... huhuu | |
|
timamanokum Tambalanista
Number of posts : 263 Age : 38 Registration date : 2007-04-11
| Subject: Re: Naiutot mo na ba ang pananampalataya mo? 2nd May 2007, 4:00 am | |
| mars: I-cite mo naman ang pinagkuhaan mo nito. Kawawa naman ang mga nalalabing magigiting na manunulat ng peyups.com. Ito'y paalala lang naman... at babala na rin! | |
|
jUnElLe BIBO Level Tambalanista
Number of posts : 521 Age : 31 Location : cavite Hobbies : kumanta sa banyo Registration date : 2007-05-19
| Subject: Re: Naiutot mo na ba ang pananampalataya mo? 20th May 2007, 6:49 pm | |
| asteeg | |
|
charothe ADIK Level Tambalanista
Number of posts : 1311 Age : 36 Location : Bulacan Registration date : 2007-04-13
| Subject: Re: Naiutot mo na ba ang pananampalataya mo? 2nd June 2007, 8:19 am | |
| lol | |
|
dyosang_marikit Alagad ng Tambalan
Number of posts : 148 Age : 43 Location : manila Registration date : 2007-05-24
| Subject: Re: Naiutot mo na ba ang pananampalataya mo? 6th June 2007, 5:48 pm | |
| gusto ko ang message na ito! weeeh | |
|
karlatot ADIK Level Tambalanista
Number of posts : 1315 Age : 37 Location : molino, cavite Club : clubhouse! hahha Hobbies : reading and watching movies eating.. hehe hobby ba yun? Registration date : 2008-03-04
| Subject: Re: Naiutot mo na ba ang pananampalataya mo? 16th October 2008, 10:54 pm | |
| | |
|
renzcky ADIK Level Tambalanista
Number of posts : 1424 Age : 35 Location : Mandaluyong City (labas) Club : Auxillary of Computer Enginnering Students (ACES) Hobbies : KaTuGa Registration date : 2007-05-30
| Subject: Re: Naiutot mo na ba ang pananampalataya mo? 17th October 2008, 10:43 am | |
| | |
|
Sponsored content
| Subject: Re: Naiutot mo na ba ang pananampalataya mo? | |
| |
|