| Kuwentong Hotdog | |
|
+8LaHaMgAm GiTsA xXxShulalaxXx charothe dyosang_marikit timamanokum rence0722 vInTaGe @mars 12 posters |
Author | Message |
---|
@mars Tambalanista
Number of posts : 442 Age : 40 Location : Parañaque Hobbies : reading,paint,listening music... Registration date : 2007-04-27
| Subject: Kuwentong Hotdog 1st May 2007, 2:58 pm | |
| This Side Up : Kuwentong Hotdog Contributed by noringai (Edited by amplifier) fr.peyups.com Habang naglilinis ang flatmate kong si Clarissa ng refrigerator ay napansin niya ang nag-iisang pulang hotdog sa sulok ng freezer. Napagtanto niya na ang hotdog ay nahulog mula sa supot ng maraming hotdog at gumulong sa likod ng freezer. Hindi na namin napansin kaya noong niluto na namin ang mga hotdog, hindi ito napasama. Kaya ayun, nag-iisa na lang siya at literally ay “left out in the cold.”
Kung may feelings lang ang mga hotdogs, ano kaya nararamdaman niya na mag-isa na lang siya sa freezer, habang ang mga kasamahan niya ay naluto na at nakain? Lahat ng kasama niya sa supot na iyon, na-fulfill na ang mission sa buhay na makain – maliban sa kanya.
Lahat ba talaga ng mga hotdog ay kailangan kainin? Baka naman nagbubunyi iyong nag-iisang hotdog dahil malaya pa rin siya, habang ang lahat ng kasama niya ay tunaw na. Pero possible din na nalulungkot siya kapag naaalala niya ang mga kasamahan niya. Maaaring naghahanap siya ng warm body na makakatabi lalo na kapag hindi nade-defrost ang ref at kumakapal na ang yelo. Siguro, minsan, sinusubukan niya ring i-comfort ang sarili niya sa pag-iisip na siya ay nasa “better place” kesa sa mga kasama niya. O baka gusto niya i-defy ang notion na lahat ng hotdog ay kailangan kainin.
Baka handa na siya sa fate niya na siya ang hotdog na hindi makakain at mabubulok na mag-isa.
***
Noong isang araw, bumili ako ng hotdog. Pero hindi tulad noong nag-iisang hotdog na naiwan sa ref, chicken hotdog ang binili ko. Pero okay lang, hotdog pa rin iyon.
Sinama ko ang red hotdog sa supot ng mga brown na chicken hotdog. Binalak ko na prituhin sila for breakfast. At last, mafu-fulfill na rin ng naiwang hotdog ang mission niya sa buhay. At last, maluluto na rin siya at makakain bukas.
Kaya lang, bago matulog ay napaisip ako. Ano kaya ang mararamdaman ng hotdog kung maluto ko nga siya, pero hindi naman niya gusto ang mga kasama niya sa frying pan? Kaya pa ba niyang maghintay sa mga pulang hotdog na bibilhin ko in the future? Kailangan ba talaga siya maluto at makain? Paano kung masaya na siya na nag-iisa?
***
Nakaka-relate ako sa nag-iisang hotdog na hindi pa naluluto at nakakain. Isa-isa nang kinakasal ang mga kaibigan ko. At hinahanda ko na ang sarili ko na maaaring maiiwan akong mag-isa sa loob ng freezer.
May isang supot ng chicken hotdog sa tabi ko pero ayokong sumama sa kanila. Mas gugustuhin ko na lang ang mag-hintay dahil naniniwala ako na may mga bagong supot ng pulang hotdog na darating.
Pero kung sakali mang walang dumating, siguro ihanda ko na ang sarili ko na may mga hotdog na mas masaya na maiwan sa loob ng freezer na mag-isa.
Last edited by on 9th May 2007, 12:12 pm; edited 2 times in total | |
|
| |
*[cams]* Guest
| Subject: Re: Kuwentong Hotdog 1st May 2007, 5:35 pm | |
| |
|
| |
vInTaGe ADIK Level Tambalanista
Number of posts : 1315 Age : 36 Location : Alabang City Registration date : 2007-04-12
| Subject: Re: Kuwentong Hotdog 1st May 2007, 7:23 pm | |
| may intensyon ang Diyos para sa nag-iisang hotdog na yan.. hayaan niyo't isusulat ko ang buhay niya sa MMK o kaya Magpakailanman.. | |
|
| |
rence0722 BIBO Level Tambalanista
Number of posts : 579 Age : 32 Location : QC Club : gRuPobEnTe ng CaLaviTe... Hobbies : net-hopping... Registration date : 2007-04-10
| Subject: Re: Kuwentong Hotdog 1st May 2007, 8:17 pm | |
| ay geh, abangan k0 yan... kaiyak.. | |
|
| |
timamanokum Tambalanista
Number of posts : 263 Age : 38 Registration date : 2007-04-11
| Subject: Re: Kuwentong Hotdog 2nd May 2007, 4:01 am | |
| Again, i-cite po natin ang author ng mga akdang ito bilang respeto at pagkilala sa kanilang isinulat. | |
|
| |
dyosang_marikit Alagad ng Tambalan
Number of posts : 148 Age : 43 Location : manila Registration date : 2007-05-24
| Subject: Re: Kuwentong Hotdog 30th May 2007, 2:48 pm | |
| ang buhay talaga parang hotdog din ano.... | |
|
| |
charothe ADIK Level Tambalanista
Number of posts : 1311 Age : 36 Location : Bulacan Registration date : 2007-04-13
| Subject: Re: Kuwentong Hotdog 1st June 2007, 8:12 am | |
| Wag kang mag-alala kabisyo.. kung pakiramdam mo na magiging hotdog na pula ka na nag-iisa.. nand2 kami.. kahit pa chicken hotdog kami.. nand2 pa rin kami sa tabi mo.. waaaa! Kaiyak.. pero 22o cnabi q huh! | |
|
| |
xXxShulalaxXx Ibang Level na Kabisyo
Number of posts : 52 Age : 31 Location : pasig Hobbies : mATulOG..kUmaIN.. Registration date : 2007-06-01
| Subject: Re: Kuwentong Hotdog 1st June 2007, 5:07 pm | |
| andaming ka hotdogan ang nagyayari sa mundo...,.ang saia icpin,,sna hotdog na lng din ako...bwahahahahahaha | |
|
| |
xXxShulalaxXx Ibang Level na Kabisyo
Number of posts : 52 Age : 31 Location : pasig Hobbies : mATulOG..kUmaIN.. Registration date : 2007-06-01
| Subject: Re: Kuwentong Hotdog 8th June 2007, 5:52 pm | |
| | |
|
| |
LaHaMgAm GiTsA Tambalanista
Number of posts : 290 Age : 33 Location : city of meycauayan, bulacan Hobbies : playing guitar, writing songs Registration date : 2007-05-23
| Subject: Re: Kuwentong Hotdog 8th June 2007, 10:18 pm | |
| ha?
ha?
ha?
hotdog!!!
susmeyor!!! nakakaiyak... itigil ang kasalang ito...
>>>san ang kasal? after non may reception....
tambalanistas... sugod!!! | |
|
| |
karlatot ADIK Level Tambalanista
Number of posts : 1315 Age : 37 Location : molino, cavite Club : clubhouse! hahha Hobbies : reading and watching movies eating.. hehe hobby ba yun? Registration date : 2008-03-04
| |
| |
xiaozhinzhu 'Di na TAO Level Tambalanista
Number of posts : 7139 Age : 36 Location : quezon city Hobbies : maglaro,mag-alaga ng babies,kumain,manood at matulog Registration date : 2008-02-21
| Subject: Re: Kuwentong Hotdog 20th March 2008, 1:00 pm | |
| gravacious na kahotdogang itetchiwa..!! anyweiz, kung tulad ng hotdog na yan ay napagiwanan kanah., worry not, enjoy ka lang muna.., drating din ang pagkakataon moh. ang save nga minsan mas magndang enjoy moh muna kung anoh meon ka naun dahil pag dumting na ang tym na kaw na ang lulutuin, di moh n ulit mararanasan ang sarap ng buhai sa loob ng ref. ( hope naintindhn nyo) |
|
| |
|
| |
nicolymitation ADIK Level Tambalanista
Number of posts : 1720 Age : 33 Location : rosario,cavite Club : wala na,.. club ng mga tambay at adik sa tambalan Hobbies : hobbies??? magbilang ng pako.. boys watching Registration date : 2007-12-27
| Subject: Re: Kuwentong Hotdog 23rd March 2008, 6:18 pm | |
| ako rin.. one of the best!! | |
|
| |
xiaozhinzhu 'Di na TAO Level Tambalanista
Number of posts : 7139 Age : 36 Location : quezon city Hobbies : maglaro,mag-alaga ng babies,kumain,manood at matulog Registration date : 2008-02-21
| Subject: Re: Kuwentong Hotdog 25th March 2008, 10:34 pm | |
| charap mamapak ng hotdog.. lalo na ung may cheese! jeje... |
|
| |
|
| |
tsetze AWAT NA Level Tambalanista
Number of posts : 2297 Age : 104 Location : molino Club : PMEA Hobbies : mag-update ng facebook Registration date : 2007-04-24
| Subject: Re: Kuwentong Hotdog 27th March 2008, 3:43 pm | |
| bakit nga kaya kulay pula ang hotdog na yan.......di pa ba sya namuti sa sobrang lamig sa loob ng ref???????? asking lang....... | |
|
| |
xiaozhinzhu 'Di na TAO Level Tambalanista
Number of posts : 7139 Age : 36 Location : quezon city Hobbies : maglaro,mag-alaga ng babies,kumain,manood at matulog Registration date : 2008-02-21
| |
| |
Sponsored content
| Subject: Re: Kuwentong Hotdog | |
| |
|
| |
| Kuwentong Hotdog | |
|