“Ang pag-aaral ay parang bato. It’s hard.”
-hinaing ng isang scholar
Aba! Totoo ‘yan! Sino ba namang nilalang sa planeta ang hindi nagreklamo ni minsan sa hirap, pasakit, at pagdurusang naranasan nila sa pag-aaral? Tell me! Tell us! Tell the world! Kung ako ang tatanungin, kalevel ng pag-aaral ang hapdi ng mga malulutong na sampal ni Clara sa malapad na mukha ni Mara… o ng walang habas na panggagahasa ni Dick Israel sa mga pelikulang in-appear-ran niya noong dekada ’90. Iba nga talaga ang pakiramdam kapag utak mo na ang ginagahasa. Kumikirot. Humahapdi. Nanunuot ang sakit sa kaibuturan ng pagkatao. Ni wala kang mahitang hint of gratification. Ahihihihi.J
Pero kapag naiisip ko ang laki ng benefit na makukuha ng daigdig na ito mula sa aking existence, naeenergize ako. ‘Yung thought na ‘yun ang aking Redbull/Lipovitan, uhm, ok sige, Viagra. Mahirap namang biguin ang mga taong umaasa sa akin, lalo na ang aking masusugid (at minsa’y nakakayamorotskotskots) na mga tagahanga, aminin man nila o hindi. Buti na lang nga na sa kahit anong digmaang pinaglalabanan mo sa buhay, nariyan sa iyong tabi ang iyong pamilya, mga kaibigan, fubu, at syempre, mawawala ba sa eksena ang mga usisera’t tsismosa? ‘Yung huli, never nagdidisappear ‘yan. Tsunami man o earthquake, ever present sila. Akala mo naman may nagchecheck ng attendance nila sa events ng buhay mo.
Isa lang ang namamagitan sa isang tao at sa kanyang inaasam na tagumpay. Ito ay ang kanyang sarili… ang kanyang kahinaan. Seryoso amfutah! May mga tao talagang isinilang upang maging full-blown kontrabida. ‘Yun bang itsura pa lang, mahihinuha mo nang sila ang villain sa kwento ng life mo. At itong mga taong ito ang titira sa’yo (no pun intended). Pupuntiryahin nila ang kahinaan ng mga bida. Kaya nga may nilikha ring tagapagligtas ang mga superhero eh. Minsan, umaappear sila as sidekicks na may lihim na pagnanasang sekswal sa mga bida (si Robin kay Batman, si Luna kay Sailormoon, si Ding kay Darna [potah, incest?!], si Gatpuno kay Atom [sa Sineskwela], at marami pang iba).
Walang nagsabing magiging madali ang laban. Dahil along the way, tiyak na may masusugatan: physically, emotionally (or both). Lahat kasi ng digmaan, may casualty. O kung wala mang masugatan, pustahan tayo, mayroo’t mayroong masasaktan. Battles will be arduous, parang pakikipagtalik (dapat talaga lahat may correlation sa sex eh, noh?!). At anong consolation ng mga superhero, WALA!!! Hahaha. Hindi naman pwedeng magsolicit ng sexual favors ang mga bida eh. Karamihan kasi sa mga bida, mga pavirgin, pansin n’yo?! Ahihihihi.
Simple lang naman ang punto ko… wala nga actually eh. Hehe. Basta go ka lang sa mga mithiin mo sa buhay. Humayo ka’t lumandi! Maraming nagangating kailangang lunasan ng magdamagang kamot. Hindi por que wala kang superpowers, hindi ka na maituturing na superhero… o bida. Minsan, ang kailangan mo lang ay ang hangaring makatulong, ang paniniwala sa magagawang pagbabago, at kaunting pressed powder!J
Kaya kung hindi mo kayang lagpasan ang expectations sa’yo ng pamilya mo’t mga kaibigan, at least lumevel ka man lang. Doon pa lang, mapagninilayan mong winner ka na! Victoria! Victoria! Unanimous ang decision. Sa’yo ang Mikimoto crown… ever!J