pHaNtOmLaD New Member
Number of posts : 1 Age : 35 Location : Quezon City Registration date : 2008-02-19
| Subject: hi guyz...! 19th February 2008, 3:52 pm | |
| hello poh bago lang ako dito. lagi nakikinig ng tambalan everyday ksi nakakatuwa at nakakatawang pakinggang ang tambalan... hehehe uhmm pede poh ba makahingi ng copy nong binasa kaninang umaga ni nicole...? tnx poh ung tungkol sa magulang... God bLess all | |
|
tsetze AWAT NA Level Tambalanista
Number of posts : 2297 Age : 104 Location : molino Club : PMEA Hobbies : mag-update ng facebook Registration date : 2007-04-24
| Subject: Re: hi guyz...! 19th February 2008, 5:33 pm | |
| Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag- aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Na tatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.
N atatandaan mo noong bata ka pa? pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kamakapag ayaw mong maligo.
Pagpa sensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag- iisa. Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatanda an mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaa n mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw,hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan..
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,ibubul ong ko sa kanya na pagpalain ka sana ... dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...
Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles CWL Spiritual Director St. Augustine Parish Baliuag, Bulacan
| |
|
tsetze AWAT NA Level Tambalanista
Number of posts : 2297 Age : 104 Location : molino Club : PMEA Hobbies : mag-update ng facebook Registration date : 2007-04-24
| Subject: Re: hi guyz...! 19th February 2008, 5:34 pm | |
| | |
|
tsetze AWAT NA Level Tambalanista
Number of posts : 2297 Age : 104 Location : molino Club : PMEA Hobbies : mag-update ng facebook Registration date : 2007-04-24
| Subject: Re: hi guyz...! 19th February 2008, 5:35 pm | |
| | |
|
nicolymitation ADIK Level Tambalanista
Number of posts : 1720 Age : 33 Location : rosario,cavite Club : wala na,.. club ng mga tambay at adik sa tambalan Hobbies : hobbies??? magbilang ng pako.. boys watching Registration date : 2007-12-27
| Subject: Re: hi guyz...! 27th February 2008, 8:22 pm | |
| kaiyak talaga yung letter na yun | |
|
crystal_ni_lola AWAT NA Level Tambalanista
Number of posts : 2552 Age : 87 Location : cavite, philippines Registration date : 2007-05-22
| Subject: Re: hi guyz...! 28th March 2008, 8:53 pm | |
| | |
|