Tambalan-On-Line
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Tambalan-On-Line

Mga Usapang Balahura at Balasubas!
 
HomeHome  PortalPortal  GalleryGallery  SearchSearch  Latest imagesLatest images  RegisterRegister  Log in  

 

 SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY

Go down 
3 posters
AuthorMessage
astig316
New Member
New Member
astig316


Male
Number of posts : 5
Age : 48
Location : Pasig City
Club : Uncle Bob's Lucky 7 Club
Hobbies : nag-aamok!!!
Registration date : 2008-02-26

SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY Empty
PostSubject: SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY   SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY Icon_minitime26th February 2008, 12:11 pm

Minamahal kong anak,

Medyo mabagal akong mag type ngayon dahil alam kong mabagal kang magbasa.
Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili na bahay. Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang number para daw hindi na sila
magpapalit ng address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito,
tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nung nabili ko na shampoo, ayaw bumula.
Nakasulat FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay
ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock.
Nakasulat kasi ay YALE, eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din bumubukas.
Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay, akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng
YALE, wise yata ito!

Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko
na sa iyo sa dahil medyo mahal daw dahil mabigat ang mga botones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga botones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.

Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor.

Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na tao na under sa kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa memorial park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.



Nakapanganak na rin pala ang Ate Baby mo, hindi ko pa alam kung babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie.

Isa pa nga pala, babalik ako diyan sa Oktubre pero naguguluhan ako. Di ba yung Victory Liner, BLTB Liner, Pascual Liner at Alfonso Liner ay mga pampasaherong bus. Yung Panty Liner, bus din ba yun? Saan ba ang terminal nila?

At saka nga pala, me nag-interview sa akin diyan at nakalimutan kong banggitin sa iyo taga
Unang Hirit daw siya at nakunan ako sa TV ang tanong sa akin ay ano raw sa salitang english ang Kulangot. Di ko nasagot...ikaw anak,
alam mo?

Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas ha.




Love,

Tatay


P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang envelope.
Next time na lang ha.






Minamahal kong Anak,



Siguro ay natanggap mo na ng sulat sa iyo ng Tatay mo. Madami pa siyang hindi naikukuwento sa iyo dahil nagka-sore throat siya. Nahilig kasing kumanta ang tatay mula ng makabili ng cassette tape ng Rage Against the Machine sa sale ng Gaisano Mall. Buy 1, Take 1 ang mga tapes. Binigay niya sa akin yung isang tape kaso hindi ko naman alam kung paano ipa-convert sa MP3 files para sa nabili kong iPod Nano Video 80GB.



Sinusuyo ako ng tatay mo dahil nagkagalit kami noong isang linggo. Niregaluhan niya kasi ako nung 334th monthsary namin ng digital camera. Ok sana yung camera kasi 8.1 megapixels naman at may libreng 2GB na memory card. Kaso nung subukan ko e auto zoom siya.



Naalala ko tuloy nung isang taon nang magpabili ako ng 3G na cellphone para kako Valentines’ gift niya sa akin. Tuwang-tuwa pa naman ako dahil sabi niya iyun daw ang latest model at lumuwas pa siya sa kabihasnan para sa SM mismo siya bibili at hindi na sa Gaisano. Nang buksan ko ang regalo, namputsa 3D sandwich maker pala ang nabili ng tatay mo.



Awa ng diyos buhay pa naman ang sandwich maker na bigay niya kahit araw-araw kong ginagamit ito tuwing magluluto ako. Mag-iisang taon na kaming hindi kumakain ng kanin kaya kinakalawang na ang rice cooker na napanalunan ko sa pa-bingo sa Gaisano. Sayang naman kasi ‘yung 1-year warranty ng 3D diba? Napatawad ko na ang tatay mo.



Kumusta na nga pala ang trabaho mo diyan? Si Jhun nga pala baka umalis na sa pinasukan niyang trabaho. Magko-call center na lang daw siya. Ipapasok daw siya ng ninong niya diyan sa Maynila. Sikat ba diyan yung R & E call center?



Oo nga pala, babae ang anak ng Ate Baby mo. Akala nga namin lalaki kasi walang buhok ng pinanganak. Nalaman naming babae nang mabasa ko sa tag sa kamay nung bata Baby Mangaspak. Nagalit nga ang tatay mo sa kamadrona kasi pinangunahan kami sa pagpangalan sa bata. Hindi kaya magkaproblema kami sa NSO kasi kapangalan niya ang Ate mo. Yung kamadrona ding yun ang nagpangalan sa Ate mo 25 years ago.



May good news nga pala ako, nanganak na yung alaga mong si Muning. Kaso hindi namin alam kung sino ang ama. Ang hirap talaga kapag napakawalan yung asong ‘yun, oo. Isa pa lang ang kasalukuyang lumalabas sa ngayon.



Sana makauwi ka dito sa bakasyon. Dadalhin kita sa bagong bukas na pasyalan dito sa kabihasnan. Ito yung SM. Tiyak matutuwa ka kasi libre entrance at rides sa escalator. Tsaka feeling artista ka kasi may camera sa bawat sulok. Wag ka maingay ha? Yung tatay mo nabugbog ng guwardiya sa stockroom kasi may ibinulsang Shampoo for Dry Hair.



Ayan dalawa na ang tuta natin. Kambal ang anak ni Muning. Mag-isip ka na ng ipapangalan sa kanila para pagdating mo dito sa Abril ay kilala ka na nila at di ka na nila tatahulan.



O siya, tsaka na uli ako magkukuwento. Kinagat ni Muning ang Tatay mo dahil hinawakan niya yung dalawang tuta. Buti na lang napabakunahan namin si Muning ng flu shots sa center nung isang buwan. Hindi mahahawa ang tatay mo kaya ‘wag kang mag-alala



Love,



Nanay



P.S. Smile before you open
Back to top Go down
http://www.aeonity.com/astig316
nicolymitation
ADIK Level Tambalanista
ADIK Level Tambalanista
nicolymitation


Male
Number of posts : 1720
Age : 33
Location : rosario,cavite
Club : wala na,.. club ng mga tambay at adik sa tambalan
Hobbies : hobbies??? magbilang ng pako.. boys watching
Registration date : 2007-12-27

SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY Empty
PostSubject: Re: SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY   SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY Icon_minitime27th February 2008, 8:27 pm

hay kabisyo nakakalula basahin
Back to top Go down
http://salinas.cjb.in
sarahjorge2004
BIBO Level Tambalanista
BIBO Level Tambalanista
sarahjorge2004


Female
Number of posts : 920
Age : 37
Location : makati city
Registration date : 2008-02-06

SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY Empty
PostSubject: Re: SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY   SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY Icon_minitime28th February 2008, 8:35 pm

essayedout
Back to top Go down
astig316
New Member
New Member
astig316


Male
Number of posts : 5
Age : 48
Location : Pasig City
Club : Uncle Bob's Lucky 7 Club
Hobbies : nag-aamok!!!
Registration date : 2008-02-26

SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY Empty
PostSubject: Re: SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY   SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY Icon_minitime29th February 2008, 3:42 pm

Minamahal kong kapatid,



Sana ay nasa mabuti kang kalagayan habang binabasa mo ang sulat na ito. Ako, nagpapasuso ng bata habang naglalaba ng mga labada ng buong angkan ng mister ko na kasalukuyang nakahilata sa sala dahil ilang taon nang walang trabaho. Nag-inuman na naman sila kagabi dito at hinala ko ay kasama niya ‘yung kabit niya na hinabol ko lang naman ng itak . Pagkatapos kong maglaba ay pupunta ako sa kabihasnan upang mamalimos ng makakain namin mamaya. Okay naman ang buhay namin dito kaya huwag na huwag mag-alala.



Oo nga pala, hindi pa sure kung babae ang anak ko gaya ng naikuwento sa iyo ni Nanay. Kamukha kasi ni Lolo kaya tingin ko e lalaki siya. Confirm ko sa iyo kapag napalitan ko na ang lampin. Sa sobrang dami ng ginagawa ko dito ay nakakalimutan kong silipin ang ari ng anak ko.



Miss na miss ka na namin dito. Huli kitang makita ay nasa tiyan ka pa ni nanay. Magpadala ka naman ng picture. Hindi kasi kita makilala sa pinadala mong whole body picture na 1 x 1.



Salamat nga pala sa pinadala mong pera. Pwede palang magpadala ng P20 sa LBC? Ang laking tulong nun kasi tumama sa jueteng ang asawa ko. Kaya lang naubos na namin yung pera dahil nga nanganak ako. Nag-aircon room kasi ako sa ospital. May extra palang bayad kapag nagpalagay ng flat screen TV at Jacuzzi sa kuwarto.



Nagustuhan din ng asawa ko yung mga T-shirts na pinadala mo. Kaso maiikli yung manggas ng mga damit na may tatak na Mango at Kamiseta kaya tinanggal niya na lang at ginawang sando. Pinangba-basketball niya nga minsan yung mga iyon e.



Hanapan mo naman ng trabaho ang kuya mo diyan. Nakatapos naman siya ng International Studies at may Masteral Degree sa Business Management. Medyo mahiyain lang talaga siya at kinakabahan sa job interview.



Kapag medyo malaki ang kita sa pamamalimos ay baka madalaw kita diyan. Nagpa-reserve na ko ng isang Business class seat sa PAL. Takot kasi akong sumakay kapag economy seat lang kasi baka bumagsak ‘yung eroplanao. Iba na ang nag-iingat lalo na at may anak na ako.



Dadalhin ko diyan ang isa sa kambal ni Muning. Ang lalaki ng tuta niya at mukhang mga bibo. Kahit wala pang mga mata ay nahahanap nila ang suso ng nanay nila. Ako nga na malinaw ang mata e di ko maabot ng bunganga ko ang suso ko. Nakakatuwa sila no?



Ang talagang pakay ko diyan sa Maynila ay gusto sana kitang kuning ninong o ninang ng anak ko. Di pa kasi sure kung babae o lalaki anak ko e. Pumayag ka kaya?



O siya, tinatawag na ko ng mister ko. Hindi pa kasi tapos yung away at murahan namin kagabi. Nakatulog kasi ako ng suntukin niya ako sa bunganga.





Love,



Ate Baby



P.S. Pasensiya na kung medyo utal akong magsalita. Wala na kasi akong ngipin sa harap.
Back to top Go down
http://www.aeonity.com/astig316
nicolymitation
ADIK Level Tambalanista
ADIK Level Tambalanista
nicolymitation


Male
Number of posts : 1720
Age : 33
Location : rosario,cavite
Club : wala na,.. club ng mga tambay at adik sa tambalan
Hobbies : hobbies??? magbilang ng pako.. boys watching
Registration date : 2007-12-27

SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY Empty
PostSubject: Re: SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY   SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY Icon_minitime8th March 2008, 9:17 pm

SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY Wp3


LOVE KNOWS NO GENDER grouphug
Back to top Go down
http://salinas.cjb.in
Sponsored content





SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY Empty
PostSubject: Re: SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY   SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY Icon_minitime

Back to top Go down
 
SUMULAT ULI SILA TATAY AT NANAY
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» bagay ba sila?? hmm
» Masaya kasi sila!
» Blink 182 - sayang sila..
» pang gising sila...
» EH SAN NYO NAMAN SILA MAPAPANOOD???

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Tambalan-On-Line :: MEMBERS' CORNER: OFF TOPICS :: Off Topics-
Jump to: