Tambalan-On-Line
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Tambalan-On-Line

Mga Usapang Balahura at Balasubas!
 
HomeHome  PortalPortal  GalleryGallery  SearchSearch  Latest imagesLatest images  RegisterRegister  Log in  

 MAAALALA MO KAYA??

Go down 
+3
tolitz
tsetze
deo
7 posters
AuthorMessage
deo
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
deo

Male
Number of posts : 4551
Age : 44
Location : quezon City
Registration date : 2008-03-04

MAAALALA MO KAYA?? Empty
PostSubject: MAAALALA MO KAYA??   MAAALALA MO KAYA?? Icon_minitime6th March 2008, 10:50 am

ito ay pinadala lang sa akin sana matawa o mapangiti kayo... Smile

MAAALALA MO KAYA?? NAAALALA KO KAYO DAHIL KAPANAHUNAN NINYO ITO - ANG SARAP NG BUHAY NOON ayos

> Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
> Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela
>lang; 10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
> Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.
> Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a:
> Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.
> Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa
>tumana; Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya
>malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;
> Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga
>anak...
>
> Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang
>lock ang mga jeep na Willy's noon.
> Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan
>(gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong,
>"sketeng" (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako
>para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna
>para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan) ; sumpak, pilatok,
>boca-boca, borador, atbp.
> Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga
>iyon. Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo, tatsing
>ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion
>(kahon-kahon yon!)
> May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi,
>nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa
>kulugo; Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;
> Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.
> Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology.. . di
>ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw!
>
> Sana pwedeng maibalik...
> Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap,
>maraming addict aPOST https://tambalanonline.niceboard.com/posting.forum HTTP/1.1t masasamang loob...
> Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero
>ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o
>mapariwara.. . Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo...
> Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...
> Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.
> Noong wala pang mga drugs at malls.
> Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.
> Tayo noon... Doon ...
>
> Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan;
> Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag
>nanonood ka ng nakakatakot sa
> "Mga Aninong Gumagalaw"
> Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na
>kabisado natin, kasi wala namang calculator.
> Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama ;
> Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may
>dikin naman ang ulo ng babae; Inaasbaran ng mga suberbiyo;
> Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.
> Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton
>sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?
>
> Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman;
>bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong
>araw? Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit
>ang tiyan; Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ang lukaok, susuwi
>at espada? Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata...
> Estigo santo kapag nagmamano.
> Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa "berdugo" at sa "kapre";
> Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!
>
>Yung crush mo?
>
> Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay -alembong, taeng-kabayo o
>biscocho?
> Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o
>kaya nougat o karamel;
> Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba,
>mas masaya kung inuyat;
> Purico ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos
>na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.
> Marami pa...
>
> Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas
>sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pag isawsaw sa sukang
>may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-sang isubo ang
>daliri kasi puno na ng kanin...
> Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;
> Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka
>ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan. Lipstick mo ay papel
>de hapon;
> Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;
> Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda at
>kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di
>ba? Pwede rin sa laylayan...
> May mga program kapag Lunes sa paaralan;
> May pakiling kang dala kung Biyernes kasi mag-iisis ka ng desk.
> Di ba masaya? Naalala mo pa ba?
> Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon...
> Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon...
>
> Di ba noon...
> Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito?
> Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang ito?
>Ito ba o ito?"...
> Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the
>carabao batuten...
> Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
> Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;
> Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;
> Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa
>pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.
> Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag
>natin pag napapa-trouble tayo.
> Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong
>Skyflakes at Royal sa tabi at pahihigupin ng mainit na Royco.
>
> Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa
> KAPAYAPAAN!
> Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!
>
>Kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa itaas, ibig sabihin lang niyan
>ay..........>MATANDA ka na! he he he... pero kung hindi ka maka-relate, ipabasa mo na
>lang sa akala mo ay kapanahunan nya ito para maalala din niya at mangiti rin
>siya. laugh
Back to top Go down
tsetze
AWAT NA Level Tambalanista
AWAT NA Level Tambalanista
tsetze

Female
Number of posts : 2297
Age : 104
Location : molino
Club : PMEA
Hobbies : mag-update ng facebook
Registration date : 2007-04-24

MAAALALA MO KAYA?? Empty
PostSubject: Re: MAAALALA MO KAYA??   MAAALALA MO KAYA?? Icon_minitime6th March 2008, 3:37 pm

sorry di ako naka-relate..... eto kasi kapanahunan ko...hahahahaha

1. Jolina Magdangal - kapartner ni Marvin Agustin kung saan
nauso ang chuvachuchu chuvachuchu at mga parang Chirstmas tree na hairstyle at outfit. At alam na alam mong nagmula si Jolina, o Jolens para sa mga miyembro ng Jolina Magdangal Fansclub AMA Computer College Chapter, sa sikat na sikat na TV show kapag 4:30
na! ANG TV NA! Kilala mo rin sina Lindsay Custodio, Victor Neri, Francesca (Cheska) at Patrick Garcia, Vandolph, Jan Marini, Rica Peralejo, atbp. Patok na patok din ang TGIS at ang kalaban nitong Gimik. Dapat kilala mo sina Wacks (Joaquin Torress III) at Peachy,
sa Gimik naman nakilala si G Toengi na naging hostess ng Music Bureau with FrancisM na pinalitan ni Jao Mapa.

2. Kapag ikaw ay kapos na sa mga salita ay maaari mong gamitin ang mga katagang chuva, chenes, chenelin, ganun, ganun-ganun, ayun o kaya ang mga expressions na "Wala lang", "Ano ba `yan?," "OVEEEERRR," that later on evolved to "WHY NOTTTTTT??" courtesy of Kris Aquino.

3. Robinson's Galleria na napabalitang may ahas daw sa fitting
room na ang pangalan ay Robina (famed sister of Robinson). Biktima rito si Alice Dixson na umano'y tumakbong naka-bra at panty lang nang makita ang ahas sa fitting room. Malamang ang balitang ito ay black propaganda ng Megamall.

4. Speaking of malls, sa panahong ito rin nauso ang arcade
games (bulok pa ang Ragnarok at ano pang online gaming sa
kasalukuyan) . Astig ka kapag pupunta ka ng Glico's sa Quad (Timezone sa Glorietta ngayon) tapos marunong kang mag Street Fighter o Virtual Fighter. Kung ayaw mo naman ng violence e pwede kang mag-Dance Revo!

5. Ang digmaan ng mga Hip-hop at Metal. Sabi ng Hip-hop "YO! WASSUP, HIPHOP HOOORRAAAAAYYY! " Sagot ng mga Metal, "HIPHOP BULOK!!
PUNKS' NOT DEAD! ANARCHY! ANARCHY!" Uso ito sa Megamall. Mga hiphop na naka-pinahabang puruntong o pinaikling pantalon o kaya baggy pants, low waist, at may mga blingblings na peace sign o kaya kadena ng bisikleta o fanbelt. Ang mga metal laging naka-itim (Top 40 na
tshirt, Pantera, Pearl Jam, Nirvana, Sepultura, Metallica, etc.)
tapos naka-fit na pantalon at Chuck Taylor. Ang mga Hiphop ay flat tops ang buhok na may guhit pa minsan sa gilid samantalang ang mga metal ay GQ ang buhok na naka-undercut pa. Lahat ng metal marunong mag-gitara kahit ang alam lang tugtugin ay `Line to Heaven' ng Introvoys (Intro: D-A-G-A; intro lang kasi nga Intro-boys). Kung may
identity crisis ka malamang ay ang papakinggan mo na lang ay si FrancisM, rap na may heavy distortion ang guitar riffs, astig ang bahista ng Hardware Syndrome with matching scratches ni DJ Kimozave at ba-backup naman ang Evil Stepsisters.

6. Eraserheads – karugtong ng digmaan ng mga Hiphop at Metal.
Sila ang muling nagpauso ng Chuck Taylor. `Pare Ko' ang pangalawa
sa `Line to Heaven' na alam gitarahin ng mga gustong maging katulad ni Ely. Nag-ambisyon ang lahat na mapabilang sa isang banda. Kung kilala mo ang Eheads, malamang alam mo rin ang Yano, The Youth, Razorback, Color It Red, Mastaplann (teka, Hiphop yata ito), Dahong Palay, Reanimator, Death by Stereo, Rizal Underground, Rivermaya,
True Faith, Fatal Posporos, Datu's Tribe, Tribal Fish, Arachnida, Alamid, Teeth, at alam mong hindi kano si Basti Artadi ng Wolfgang
(imagine Eddie Vedder singing `Halik ni Hudas').

7. Ultimate Warrior - namatay daw dahil binuhat si Andre the
Giant (na namatay din that time). May ibang balitang namatay siya dahil daw pumutok ang muscles niya sa sobrang higpit ng tali.

8. Teenage Mutant Ninja Turtles – sina Leonardo, Michaelangelo, Donatello, Raphael. Master nila si Splinter, kaibigang reporter si April O'Neal. Kalaban sina Shredder, Bebop, Rocksteady, Krang at ang
mga Foot Soldiers (na parang mga tauhan ni Dr. Man ng Bioman). Tapos uso ang retromutagen ooze na mabibilil mo sa suking SM toyland. "COWABUNGA, DUDE!"

9. Ang Pepsi 349 Scandal. Kung valid man ang libo libong claims ng mga Pilipinong nakakuha ng tansan na may tatak sa ilalim na 349 ay hindi ito makaka-apekto sa lumalalang global warming na nararanasan ng mundo. Ang nakapag-benefit lang dito ay ang Coke
dahil sa libo libong nag-boycott sa Pepsi na feeling nila ay na-
raket lang sila. (Parang 80's yata ito)

10. Ang Alamat ng Zagu. Ito ay ang pinasosyal na palamig, sago at gulaman. Kung anong meron dito ay ang pakiramdam na ikaw ay IN, HIP, at COOL. Ang pila dito ay singhaba ng pila sa US embassy na gustong makakita ng snow at pumunta ng Disneyland (wala pa kasing
Hong Kong Disneyland e) at ang kumpol ng mga tinedyers na may supsop supsop na Zagu ay sindami ng mga lalaking naka-white t-shirt sa Kalaw na nagbabakasakaling maging seaman at OFW. Talaga naman everyone went gaga over zagu.

11. Easycall at Beeper 125. Wala lang ganun, text messaging na itatawag mo pa sa call center para masabi mong I M HERE AT HOM, PLS COME OVER. Tapos yung may pager na nasa labas hahanap ng payphone
para tawagan ang nag-page sa kanya. Kaso mahirap makakuha ng txtmate
dito, di ko lang sure ko pwedeng i-page ang SAN N U? D2 N ME.Ü

12. Bago nakilala si Shakira ay sumikat muna si Thalia na mas
kilala nating gumanap bilang Marimar. Pero mali ang nagsabing ito ang unang telenovela na naipalabas sa Pilipinas dahil nauna rito ang La Traidora sa channel 9. Kilala mo siguro si Pulgoso at Padre Pio at sino bang makakalimot kay Fernando Jose na mas kinky pa ang buhok
sa dibdib kesa sa ulo, salamat kay Ogie Alcasid dahil mas nabigyan niya ng hustisya ang papel na ito. Sinundan ito ng mga makasaysayang Maria La Del Barrio na nagevolve sa Taiwan bilang Meteor Garden at
nang mapunta sa Korea ay naging Jewel in the Palace.

13. Speaking of Ogie Alcasid, bago pa man ang Bubble Gang ay una na tayong pinalagpak sa upuan kakatawa ng Tropang Trumpo. Nariyan ang Caronia dance na kahit ito lang ang alam mong sayawin ay kayang kaya mong talunin si Charlene Gonzales sa Feel Like Dancing. Dito rin nakilala si Earl Ignacio (ang boses sa likod ni Peter Pan) na naging syota ni Cristine Bersola bago siya naging Mrs. Babao.

14. The Uncanny X-Men. Ang lyrics ng intro at ending nito ay
tinginingininini tinginingingini, ting ting! Love story ito, umikot
ang kwento sa love triangle nila Cyclops, Jean Grey at Wolverine.
Bakit kasi lahat ng hinahalikan ni Rogue ay nanghihina. Si Jubilee
ba ay babae o batang babae? Kapatid ba ni Storm si Undertaker kasi
parehong nawawala ang pupil ng mga mata nila? Meron palang halimaw
na kulay blue, sa totoo lang siya si Grimace ng McDonald's at
nagiging bestial lang siya kapag tinawag siya ni Professor X. Kung iisipin mo mas wholesome panoorin ang Captain Planet, pwedeng pambata at pwede ring pang-environmentali st. GO PLANET!!

15. Nung panahon ng Miss Universe (circa Charlene Gonzales,
Shushmita Sen, Viveka Babajee, at Dayanara Torres) ay lahat ng lalaki kahit babae ay patay na patay kay Miss Belguim. Siya si Christelle Roelandts na pagkatapos ng pageant ay di na natin alam
kung anong nangyari sa kanya. Pero may nabalitang nakapag-asawa siya ng astronaut at nanay siya ng quadruplets na huwag mong paniwalaan
kasi imbento ko lang ang bahagi ng kwentong ito.

16. Balik tayo sa Megamall. Nung dekada ring ito nagkalat ang balitang wag kang manunood ng sine sa mall na ito kasi may nang- iinjection ng AIDS dito. Siguro ganti ito ng Robinson's Galleria sa
kanila nang sumunod kasi na araw sa Megamal na bumili ng bra at panty si Alice Dixson.

17. Ang Sabado Nights Girl na si Ina Raymundo na ina na sa
totoong buhay. Ang awiting Sabado Nights ay kinanta ng Rizal
Underground. Wala na akong ibang kwento tungkol dito.

18. Sa panahon ding ito sumikat ang matinee idol na naging
inspirasyon ng maraming kabataan dahil sa pagiging love team nila ni Judy Ann. Ang nasirang si Rico Yan. Ang ipinagtataka ko lang ay nauna lang nag kaunti ang pagkamatay nina Lucio San Pedro at Levi
Celerio, na itinuturing nating mga Alagad Ng Sining, sa pagkamatay ni Rico Yan, pero mas nagdalamhati ang sambayanan nang malaman nilang hindi na pala magkakabalikan sina Claudine Baretto at Rico Yan kasi nga namatay si Rico Yan sa piling ni Dominic Ochoa. Kung
overdose sa ecstasy ang kaniyang ikinamatay o dahil sa bangungot ay hindi na mahalaga dahil sa panahong ito isinilang ang Rico Yan Youth Foundation, hayan may kabuluhan naman pala.

19. Nung wala pang Ipod at nalaos na ang walkman ay nauso naman
ang discman nuong dekada `90. Kaya lang, mahirap mag-jogging na ang
bibit mo ay walkman dahil skip lang nang skip ang lens sa CD at di mo mapatugtog ng maayos. Di rin pwede sa kotse kasi pag nalubak o dumaan sa hump o biglang huminto ay skip na naman ang discman bago
pa naimbeto ang CD player na may anti-shock. Kaso bakit di nauso ang discman na may FM/AM receiver?

Kung naka-abot ka sa bahaging ito at naka-relate sa karamihan ng mga
nakasulat dito, malamang ay high school ka nung panahong laos na ang
mga larong tumbang preso, taguan, teks, chinese gater, step no, at
piko. At ang hinlalaki mo ay puro kalyo na kaka-pindot ng controller
ng Family Computer. Siguro ngayon ay isa ka nang propesyunal o
family person o kung ano man ang iyong ginagawa na kahit abalang
abala sa maraming bagay ay meron pa ring naitatabing oras para
sariwain ang alaala ng nakalipas at ang katotohanan ng buhay na
minsan ay nagturo sa iyong harapin ang kinabukasan.....

hello: ziegfred para sayo 'to
Back to top Go down
deo
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
deo

Male
Number of posts : 4551
Age : 44
Location : quezon City
Registration date : 2008-03-04

MAAALALA MO KAYA?? Empty
PostSubject: Re: MAAALALA MO KAYA??   MAAALALA MO KAYA?? Icon_minitime6th March 2008, 4:03 pm

@tsetze: talaga di ka naka-relate? ask

pero ginawa mo lang noon? Laughing
joke lang... runaround
Back to top Go down
tsetze
AWAT NA Level Tambalanista
AWAT NA Level Tambalanista
tsetze

Female
Number of posts : 2297
Age : 104
Location : molino
Club : PMEA
Hobbies : mag-update ng facebook
Registration date : 2007-04-24

MAAALALA MO KAYA?? Empty
PostSubject: Re: MAAALALA MO KAYA??   MAAALALA MO KAYA?? Icon_minitime6th March 2008, 5:05 pm

obvious
Back to top Go down
deo
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
deo

Male
Number of posts : 4551
Age : 44
Location : quezon City
Registration date : 2008-03-04

MAAALALA MO KAYA?? Empty
PostSubject: Re: MAAALALA MO KAYA??   MAAALALA MO KAYA?? Icon_minitime7th March 2008, 9:38 am

@tsetze:
obvious na obvious

Cool

lol!
Back to top Go down
tolitz
Kabisyo
Kabisyo
tolitz

Male
Number of posts : 30
Age : 37
Location : 302926
Club : student catholic action
Hobbies : basketball, chess,watching tv.
Registration date : 2008-02-29

MAAALALA MO KAYA?? Empty
PostSubject: Re: MAAALALA MO KAYA??   MAAALALA MO KAYA?? Icon_minitime7th March 2008, 10:42 am

hahahaah natuwa nmn aku dun.. hahaahah nagbalik tanaw aku hahah.. newey nung panahon nyan eh grade school plang aku hahahhaha...
lol!
Back to top Go down
dugyot
Kabisyo
Kabisyo
dugyot

Male
Number of posts : 33
Age : 49
Location : laguna
Hobbies : playing pc
Registration date : 2008-02-20

MAAALALA MO KAYA?? Empty
PostSubject: Re: MAAALALA MO KAYA??   MAAALALA MO KAYA?? Icon_minitime9th March 2008, 7:50 pm

tsetze wrote:
sorry di ako naka-relate..... eto kasi kapanahunan ko...hahahahaha

1. Jolina Magdangal - kapartner ni Marvin Agustin kung saan
nauso ang chuvachuchu chuvachuchu at mga parang Chirstmas tree na hairstyle at outfit. At alam na alam mong nagmula si Jolina, o Jolens para sa mga miyembro ng Jolina Magdangal Fansclub AMA Computer College Chapter, sa sikat na sikat na TV show kapag 4:30
na! ANG TV NA! Kilala mo rin sina Lindsay Custodio, Victor Neri, Francesca (Cheska) at Patrick Garcia, Vandolph, Jan Marini, Rica Peralejo, atbp. Patok na patok din ang TGIS at ang kalaban nitong Gimik. Dapat kilala mo sina Wacks (Joaquin Torress III) at Peachy,
sa Gimik naman nakilala si G Toengi na naging hostess ng Music Bureau with FrancisM na pinalitan ni Jao Mapa.

2. Kapag ikaw ay kapos na sa mga salita ay maaari mong gamitin ang mga katagang chuva, chenes, chenelin, ganun, ganun-ganun, ayun o kaya ang mga expressions na "Wala lang", "Ano ba `yan?," "OVEEEERRR," that later on evolved to "WHY NOTTTTTT??" courtesy of Kris Aquino.

3. Robinson's Galleria na napabalitang may ahas daw sa fitting
room na ang pangalan ay Robina (famed sister of Robinson). Biktima rito si Alice Dixson na umano'y tumakbong naka-bra at panty lang nang makita ang ahas sa fitting room. Malamang ang balitang ito ay black propaganda ng Megamall.

4. Speaking of malls, sa panahong ito rin nauso ang arcade
games (bulok pa ang Ragnarok at ano pang online gaming sa
kasalukuyan) . Astig ka kapag pupunta ka ng Glico's sa Quad (Timezone sa Glorietta ngayon) tapos marunong kang mag Street Fighter o Virtual Fighter. Kung ayaw mo naman ng violence e pwede kang mag-Dance Revo!

5. Ang digmaan ng mga Hip-hop at Metal. Sabi ng Hip-hop "YO! WASSUP, HIPHOP HOOORRAAAAAYYY! " Sagot ng mga Metal, "HIPHOP BULOK!!
PUNKS' NOT DEAD! ANARCHY! ANARCHY!" Uso ito sa Megamall. Mga hiphop na naka-pinahabang puruntong o pinaikling pantalon o kaya baggy pants, low waist, at may mga blingblings na peace sign o kaya kadena ng bisikleta o fanbelt. Ang mga metal laging naka-itim (Top 40 na
tshirt, Pantera, Pearl Jam, Nirvana, Sepultura, Metallica, etc.)
tapos naka-fit na pantalon at Chuck Taylor. Ang mga Hiphop ay flat tops ang buhok na may guhit pa minsan sa gilid samantalang ang mga metal ay GQ ang buhok na naka-undercut pa. Lahat ng metal marunong mag-gitara kahit ang alam lang tugtugin ay `Line to Heaven' ng Introvoys (Intro: D-A-G-A; intro lang kasi nga Intro-boys). Kung may
identity crisis ka malamang ay ang papakinggan mo na lang ay si FrancisM, rap na may heavy distortion ang guitar riffs, astig ang bahista ng Hardware Syndrome with matching scratches ni DJ Kimozave at ba-backup naman ang Evil Stepsisters.

6. Eraserheads – karugtong ng digmaan ng mga Hiphop at Metal.
Sila ang muling nagpauso ng Chuck Taylor. `Pare Ko' ang pangalawa
sa `Line to Heaven' na alam gitarahin ng mga gustong maging katulad ni Ely. Nag-ambisyon ang lahat na mapabilang sa isang banda. Kung kilala mo ang Eheads, malamang alam mo rin ang Yano, The Youth, Razorback, Color It Red, Mastaplann (teka, Hiphop yata ito), Dahong Palay, Reanimator, Death by Stereo, Rizal Underground, Rivermaya,
True Faith, Fatal Posporos, Datu's Tribe, Tribal Fish, Arachnida, Alamid, Teeth, at alam mong hindi kano si Basti Artadi ng Wolfgang
(imagine Eddie Vedder singing `Halik ni Hudas').

7. Ultimate Warrior - namatay daw dahil binuhat si Andre the
Giant (na namatay din that time). May ibang balitang namatay siya dahil daw pumutok ang muscles niya sa sobrang higpit ng tali.

8. Teenage Mutant Ninja Turtles – sina Leonardo, Michaelangelo, Donatello, Raphael. Master nila si Splinter, kaibigang reporter si April O'Neal. Kalaban sina Shredder, Bebop, Rocksteady, Krang at ang
mga Foot Soldiers (na parang mga tauhan ni Dr. Man ng Bioman). Tapos uso ang retromutagen ooze na mabibilil mo sa suking SM toyland. "COWABUNGA, DUDE!"

9. Ang Pepsi 349 Scandal. Kung valid man ang libo libong claims ng mga Pilipinong nakakuha ng tansan na may tatak sa ilalim na 349 ay hindi ito makaka-apekto sa lumalalang global warming na nararanasan ng mundo. Ang nakapag-benefit lang dito ay ang Coke
dahil sa libo libong nag-boycott sa Pepsi na feeling nila ay na-
raket lang sila. (Parang 80's yata ito)

10. Ang Alamat ng Zagu. Ito ay ang pinasosyal na palamig, sago at gulaman. Kung anong meron dito ay ang pakiramdam na ikaw ay IN, HIP, at COOL. Ang pila dito ay singhaba ng pila sa US embassy na gustong makakita ng snow at pumunta ng Disneyland (wala pa kasing
Hong Kong Disneyland e) at ang kumpol ng mga tinedyers na may supsop supsop na Zagu ay sindami ng mga lalaking naka-white t-shirt sa Kalaw na nagbabakasakaling maging seaman at OFW. Talaga naman everyone went gaga over zagu.

11. Easycall at Beeper 125. Wala lang ganun, text messaging na itatawag mo pa sa call center para masabi mong I M HERE AT HOM, PLS COME OVER. Tapos yung may pager na nasa labas hahanap ng payphone
para tawagan ang nag-page sa kanya. Kaso mahirap makakuha ng txtmate
dito, di ko lang sure ko pwedeng i-page ang SAN N U? D2 N ME.Ü

12. Bago nakilala si Shakira ay sumikat muna si Thalia na mas
kilala nating gumanap bilang Marimar. Pero mali ang nagsabing ito ang unang telenovela na naipalabas sa Pilipinas dahil nauna rito ang La Traidora sa channel 9. Kilala mo siguro si Pulgoso at Padre Pio at sino bang makakalimot kay Fernando Jose na mas kinky pa ang buhok
sa dibdib kesa sa ulo, salamat kay Ogie Alcasid dahil mas nabigyan niya ng hustisya ang papel na ito. Sinundan ito ng mga makasaysayang Maria La Del Barrio na nagevolve sa Taiwan bilang Meteor Garden at
nang mapunta sa Korea ay naging Jewel in the Palace.

13. Speaking of Ogie Alcasid, bago pa man ang Bubble Gang ay una na tayong pinalagpak sa upuan kakatawa ng Tropang Trumpo. Nariyan ang Caronia dance na kahit ito lang ang alam mong sayawin ay kayang kaya mong talunin si Charlene Gonzales sa Feel Like Dancing. Dito rin nakilala si Earl Ignacio (ang boses sa likod ni Peter Pan) na naging syota ni Cristine Bersola bago siya naging Mrs. Babao.

14. The Uncanny X-Men. Ang lyrics ng intro at ending nito ay
tinginingininini tinginingingini, ting ting! Love story ito, umikot
ang kwento sa love triangle nila Cyclops, Jean Grey at Wolverine.
Bakit kasi lahat ng hinahalikan ni Rogue ay nanghihina. Si Jubilee
ba ay babae o batang babae? Kapatid ba ni Storm si Undertaker kasi
parehong nawawala ang pupil ng mga mata nila? Meron palang halimaw
na kulay blue, sa totoo lang siya si Grimace ng McDonald's at
nagiging bestial lang siya kapag tinawag siya ni Professor X. Kung iisipin mo mas wholesome panoorin ang Captain Planet, pwedeng pambata at pwede ring pang-environmentali st. GO PLANET!!

15. Nung panahon ng Miss Universe (circa Charlene Gonzales,
Shushmita Sen, Viveka Babajee, at Dayanara Torres) ay lahat ng lalaki kahit babae ay patay na patay kay Miss Belguim. Siya si Christelle Roelandts na pagkatapos ng pageant ay di na natin alam
kung anong nangyari sa kanya. Pero may nabalitang nakapag-asawa siya ng astronaut at nanay siya ng quadruplets na huwag mong paniwalaan
kasi imbento ko lang ang bahagi ng kwentong ito.

16. Balik tayo sa Megamall. Nung dekada ring ito nagkalat ang balitang wag kang manunood ng sine sa mall na ito kasi may nang- iinjection ng AIDS dito. Siguro ganti ito ng Robinson's Galleria sa
kanila nang sumunod kasi na araw sa Megamal na bumili ng bra at panty si Alice Dixson.

17. Ang Sabado Nights Girl na si Ina Raymundo na ina na sa
totoong buhay. Ang awiting Sabado Nights ay kinanta ng Rizal
Underground. Wala na akong ibang kwento tungkol dito.

18. Sa panahon ding ito sumikat ang matinee idol na naging
inspirasyon ng maraming kabataan dahil sa pagiging love team nila ni Judy Ann. Ang nasirang si Rico Yan. Ang ipinagtataka ko lang ay nauna lang nag kaunti ang pagkamatay nina Lucio San Pedro at Levi
Celerio, na itinuturing nating mga Alagad Ng Sining, sa pagkamatay ni Rico Yan, pero mas nagdalamhati ang sambayanan nang malaman nilang hindi na pala magkakabalikan sina Claudine Baretto at Rico Yan kasi nga namatay si Rico Yan sa piling ni Dominic Ochoa. Kung
overdose sa ecstasy ang kaniyang ikinamatay o dahil sa bangungot ay hindi na mahalaga dahil sa panahong ito isinilang ang Rico Yan Youth Foundation, hayan may kabuluhan naman pala.

19. Nung wala pang Ipod at nalaos na ang walkman ay nauso naman
ang discman nuong dekada `90. Kaya lang, mahirap mag-jogging na ang
bibit mo ay walkman dahil skip lang nang skip ang lens sa CD at di mo mapatugtog ng maayos. Di rin pwede sa kotse kasi pag nalubak o dumaan sa hump o biglang huminto ay skip na naman ang discman bago
pa naimbeto ang CD player na may anti-shock. Kaso bakit di nauso ang discman na may FM/AM receiver?

Kung naka-abot ka sa bahaging ito at naka-relate sa karamihan ng mga
nakasulat dito, malamang ay high school ka nung panahong laos na ang
mga larong tumbang preso, taguan, teks, chinese gater, step no, at
piko. At ang hinlalaki mo ay puro kalyo na kaka-pindot ng controller
ng Family Computer. Siguro ngayon ay isa ka nang propesyunal o
family person o kung ano man ang iyong ginagawa na kahit abalang
abala sa maraming bagay ay meron pa ring naitatabing oras para
sariwain ang alaala ng nakalipas at ang katotohanan ng buhay na
minsan ay nagturo sa iyong harapin ang kinabukasan.....

hello: ziegfred para sayo 'to
im sure inabot mo yan, unless you grew up wealthy which i think you did not! or just pretending.
Back to top Go down
nicolymitation
ADIK Level Tambalanista
ADIK Level Tambalanista
nicolymitation

Male
Number of posts : 1720
Age : 33
Location : rosario,cavite
Club : wala na,.. club ng mga tambay at adik sa tambalan
Hobbies : hobbies??? magbilang ng pako.. boys watching
Registration date : 2007-12-27

MAAALALA MO KAYA?? Empty
PostSubject: Re: MAAALALA MO KAYA??   MAAALALA MO KAYA?? Icon_minitime13th March 2008, 8:02 pm

hay... ang gulllllllllllllllllloooooooooooooooooooooooooo
Back to top Go down
http://salinas.cjb.in
Guest
Guest

MAAALALA MO KAYA?? Empty
PostSubject: Re: MAAALALA MO KAYA??   MAAALALA MO KAYA?? Icon_minitime13th March 2008, 10:40 pm

siguro yung mga metal noon emo na ngayon....di kaya??????? Question
Back to top Go down
Guest
Guest

MAAALALA MO KAYA?? Empty
PostSubject: Re: MAAALALA MO KAYA??   MAAALALA MO KAYA?? Icon_minitime13th March 2008, 10:41 pm

deo wrote:
ito ay pinadala lang sa akin sana matawa o mapangiti kayo... Smile

MAAALALA MO KAYA?? NAAALALA KO KAYO DAHIL KAPANAHUNAN NINYO ITO - ANG SARAP NG BUHAY NOON ayos

> Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
> Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela
>lang; 10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
> Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.
> Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a:
> Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.
> Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa
>tumana; Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya
>malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;
> Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga
>anak...
>
> Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang
>lock ang mga jeep na Willy's noon.
> Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan
>(gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong,
>"sketeng" (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako
>para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna
>para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan) ; sumpak, pilatok,
>boca-boca, borador, atbp.
> Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga
>iyon. Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo, tatsing
>ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion
>(kahon-kahon yon!)
> May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi,
>nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa
>kulugo; Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;
> Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.
> Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology.. . di
>ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw!
>
> Sana pwedeng maibalik...
> Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap,
>maraming addict aPOST https://tambalanonline.niceboard.com/posting.forum HTTP/1.1t masasamang loob...
> Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero
>ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o
>mapariwara.. . Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo...
> Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...
> Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.
> Noong wala pang mga drugs at malls.
> Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.
> Tayo noon... Doon ...
>
> Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan;
> Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag
>nanonood ka ng nakakatakot sa
> "Mga Aninong Gumagalaw"
> Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na
>kabisado natin, kasi wala namang calculator.
> Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama ;
> Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may
>dikin naman ang ulo ng babae; Inaasbaran ng mga suberbiyo;
> Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.
> Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton
>sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?
>
> Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman;
>bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong
>araw? Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit
>ang tiyan; Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ang lukaok, susuwi
>at espada? Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata...
> Estigo santo kapag nagmamano.
> Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa "berdugo" at sa "kapre";
> Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!
>
>Yung crush mo?
>
> Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay -alembong, taeng-kabayo o
>biscocho?
> Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o
>kaya nougat o karamel;
> Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba,
>mas masaya kung inuyat;
> Purico ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos
>na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.
> Marami pa...
>
> Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas
>sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pag isawsaw sa sukang
>may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-sang isubo ang
>daliri kasi puno na ng kanin...
> Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;
> Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka
>ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan. Lipstick mo ay papel
>de hapon;
> Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;
> Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda at
>kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di
>ba? Pwede rin sa laylayan...
> May mga program kapag Lunes sa paaralan;
> May pakiling kang dala kung Biyernes kasi mag-iisis ka ng desk.
> Di ba masaya? Naalala mo pa ba?
> Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon...
> Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon...
>
> Di ba noon...
> Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito?
> Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang ito?
>Ito ba o ito?"...
> Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the
>carabao batuten...
> Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
> Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;
> Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;
> Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa
>pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.
> Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag
>natin pag napapa-trouble tayo.
> Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong
>Skyflakes at Royal sa tabi at pahihigupin ng mainit na Royco.
>
> Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa
> KAPAYAPAAN!
> Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!
>
>Kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa itaas, ibig sabihin lang niyan
>ay..........>MATANDA ka na! he he he... pero kung hindi ka maka-relate, ipabasa mo na
>lang sa akala mo ay kapanahunan nya ito para maalala din niya at mangiti rin
>siya. laugh

ahh eto kapanahunan ng nanay ko.....
Back to top Go down
shilzs
BIBO Level Tambalanista
BIBO Level Tambalanista
shilzs

Female
Number of posts : 587
Age : 45
Location : las pinas city
Registration date : 2008-03-04

MAAALALA MO KAYA?? Empty
PostSubject: Re: MAAALALA MO KAYA??   MAAALALA MO KAYA?? Icon_minitime13th March 2008, 10:54 pm

naalala ko lang favorite cartoons ko superbook, flying house, he-man & She-ra, at syempre alvin & chipmucks cartoon po... syempre batibot... Idea
Back to top Go down
nicolymitation
ADIK Level Tambalanista
ADIK Level Tambalanista
nicolymitation

Male
Number of posts : 1720
Age : 33
Location : rosario,cavite
Club : wala na,.. club ng mga tambay at adik sa tambalan
Hobbies : hobbies??? magbilang ng pako.. boys watching
Registration date : 2007-12-27

MAAALALA MO KAYA?? Empty
PostSubject: Re: MAAALALA MO KAYA??   MAAALALA MO KAYA?? Icon_minitime18th March 2008, 3:53 pm

nakak lula
Back to top Go down
http://salinas.cjb.in
deo
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
deo

Male
Number of posts : 4551
Age : 44
Location : quezon City
Registration date : 2008-03-04

MAAALALA MO KAYA?? Empty
PostSubject: Re: MAAALALA MO KAYA??   MAAALALA MO KAYA?? Icon_minitime16th May 2008, 7:43 pm

hahaha...
Back to top Go down
prinxesza08
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
prinxesza08

Female
Number of posts : 6063
Age : 30
Location : manila.
Club : Conference, THE POWER PUFF GIRLSS! :D
Hobbies : Sleeping, Net && Texting. Haha [[; STUDYiNG??üü Ow Kumonn!!
Registration date : 2008-03-29

MAAALALA MO KAYA?? Empty
PostSubject: Re: MAAALALA MO KAYA??   MAAALALA MO KAYA?? Icon_minitime16th May 2008, 9:25 pm

i CAN'T RELATE.ü
PROMiSE.

HAHAHAHAHA..((:

PERO ANG SAYA.((:
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/lovecoffeeprincess
deo
'Di na TAO Level Tambalanista
'Di na TAO Level Tambalanista
deo

Male
Number of posts : 4551
Age : 44
Location : quezon City
Registration date : 2008-03-04

MAAALALA MO KAYA?? Empty
PostSubject: Re: MAAALALA MO KAYA??   MAAALALA MO KAYA?? Icon_minitime20th May 2008, 6:12 pm

Shocked
Back to top Go down
Sponsored content

MAAALALA MO KAYA?? Empty
PostSubject: Re: MAAALALA MO KAYA??   MAAALALA MO KAYA?? Icon_minitime

Back to top Go down
 
MAAALALA MO KAYA??
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» paano na kaya
» Pwede kaya ito???
» anoh kaya yun????????????
» nu kaya kung??
» ano kaya ang dahilan?

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Tambalan-On-Line :: MEMBERS' CORNER: OFF TOPICS :: Mga Babasahin-
Jump to: