Ang Hangganan ko!
ika-6 ng taong ito at sa buwan ng
kapaskohan sasapit na ang
hangganan na kahit ayaw kong
dumating ay kailangan kong
tanggapin masakit man sa
damdamin kailangang tiisin!:-(
Ang halimuyak ng mga bulaklak
ay tuluyan ng kumupas dahil sa
paglipas ng panahon
ang malalago at mababagong
bulaklak ay tuluyan ng nang
nalagas, sa simoy ng hangin dama
ng bulaklak ang paghampas
nito;kapit tuko sa sanga huwag
lang mahulog at tuluyang malayo
pero ano nga ba ang magagawa
kung ang kinakapitan man ay di
na kayang gumawa lahat ay may
wakas at lahat ay may
hangganan di maari ang lahat ay
umuwi ng may ngiti sa labi; sa
realidad ng buhay may taong
may luha at pighati na nadarama
sa saglit na ligaya kapalit ay luha
at pagdurusa di man sa pisakal
ang paghampas ay mas tagos at
dama ang sakit ;dahil ang pasa ay
madaling nawawala ngunit ang
alaala ay himala kung kayang
pang mawala
GETTING SENTI HERE (do I need some advice?)
Gusto ko nang bumitaw at hayaan ka
ngunit may mga bagay na tuloy-tuloy paring humahawak at tumatali para di ka mawala ano nga ba ang dapat gawin di lubos matanto ng aking kamalayan kung san dapat ilugar ang pusong di naman uhaw sa pagsuyo ngunit tuloy tuloy parin sa pagsusumamo
Tama nga bang ikaw ay ipaglaban kung sa hinagap ko nama'y hinagpis lang ang laging tangan
Mas gugustuhin bang tuluyan nang lumubog sa hukay na ako rin ang yang nagpayabong